Chapter 30

475 22 1
                                    

Tanghali na akong nagising ngayon dahil wala akong pasok. Nagulat ako nang makitang nakaupo sa sofa sina Dark at Sage.

Nakaramdam naman ako ng hiya dahil hindi pa 'ko nakakapagsuklay. Dali-dali akong pumunta sa c.r. para makapagtoothbrush at hilamos man lang.

"Kanina pang umaga 'yong dalawa dito," sabi ni Celine pagkalabas ko sa c.r.

Agad naman tumayo 'yong dalawa nang makita akong papalapit sa kanila.

"Anong ginagawa niyo dito? Diba basted na kayo?" Pinagkrus ko pa ang dalawang braso ko sa harap nila.

Napakamot sa ulo si Sage. "We're very sorry about what happened yesterday, Vera."

"Nag-usap na din kami na hindi na kami gagawa ng gulo," sabi naman ni Dark at tsaka matalim na tinignan si Sage. Sinuklian din siya ni Sage ng matalim na tingin.

"Talaga lang, ah? E, kung nakakamatay lang ang tingin malamang patay na kayong dalawa sa talim ng mga tingin niyo sa isa't isa." Tinaasan ko sila ng isang kilay.

"Vera, hanggang ganoon na lang kami pero promise hindi na kami magsusuntukan." Ngumuso naman si Sage.

Bakit ang gwapo niya kahit nakanguso?

"Just let us court you again," mahina namang sabi ni Dark.

Natawa naman ako nang ngumuso din siya.

"Fine! Pero one wrong move, Dark and Sage hinding hindi ako magdadalawang isip na patigilin kayo sa panliligaw sa akin."

"Yes, ma'am!" sabay pa nilang sabi. Napailing na lang ako.

Lumipas ang ilang araw at tinupad naman nila ang pangako nila na hindi na sila magsusuntukan. Nakakatawa pa nga dahil gumawa pa si Celine ng schedule nila sa pagpunta dito para daw talagang maiwasan na ang gulo.

Tuwing Monday, Wednesday and Friday si Dark ang pwedeng pumunta dito sa apartment at tuwing Tuesday, Thursday and Saturday naman si Sage at tuwing Sunday daw ay quality time naman namin ni Celine.

Tumutol pa ang dalawa pero wala na rin silang nagawa sa gustong mangyari ni Celine.

Pupunta ako sa school ngayon para magpasa ng portfolio. Hindi kasi magkaklase iyong prof namin ngayon. Dahil Tuesday ngayon naabutan ko si Sage na nasa labas at nakasandal sa itim na Audi niya.

"Good morning, Vera!" Malawak ang ngiti niya. Hindi ko siya pinansin at derederechong sumakay sa backseat ng sasakyan niya.

Kahit na pinayagan ko siyang manligaw ay hindi nangangahulugan iyon na nakalimutan ko na ang kasalanan niya sa akin.

"Vera, do I look like a driver? Dito ka sa front seat," angal niya.

"Just drive your damn car!" madiin na sabi ko.

Narinig ko pa na nagmura siya tsaka pinaandar ang kotse niya.

Sinabi sa'kin ni Celine na under construction na ang Wainwright Hotel na kung saan ay pinacancel ni Sage ang pagpapatayo sa France at dito na lang daw naisipan magpatayo.

"Vera, I'll wait you here then let's go to the Trafalgar Square," sabi ni Sage sabay ngiti.

"Ayoko. Madami akong gagawin," sagot ko habang nakatingin pa rin sa labas.

"Kapag kay Montreal ay hindi ka tumatanggi."

Napalingon ako sa kanya. "Dark, don't give me pain. He gives me nothing but love and importance, Sage." Rinig ko ang pagkabitter sa boses ko.

"But for me he is a pain in the ass," inis sabi niya.

"O, akala ko ba hindi ka threatened, Sage? Anong nangyari sa confidence mo?"

Chasing Chances (Chasing #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon