Chapter 68

476 18 1
                                    

Tanghali na pero heto ako at nakahilata pa rin. Wala akong gana at parang gusto ko na lang humiga maghapon.

Bumangon lang ako nang kinatok ako ni Jade para sabihing kakain na kami ng tanghalian.

"Nagluto ako ng sinigang na hipon." bungad sa akin ni Jade nang makababa ako.

"Si Sage? Nasa byahe na ba papunta dito?"

Lumungkot ang mukha ni Jade.

"Hindi pa rin ba siya uuwi dito?"

"Ang sabi niya kasi may client pa siyang kailangan imeet ngayon pero bukas daw ay sure na." Ngumiti pa si Jade pero hindi ko na lang siya pinansin.

Bakit ba ayaw pa akong tapatin ni Sage na hindi na siya uuwi dito, na hindi na niya kami babalikan ni Zerene?

"Mommy!" Nakangiti si Zerene na ngayon ay kumakain mag-isa dito sa kusina.

"Baby, bakit hindi ka nagpasubo kay Tita Jade o 'di kaya ay bakit hindi mo ginising si Mommy?"

Ngumiti pa si Zerene. "'Cause I'm a big girl na and sabi ni Tita Jade magiging big sister na ako."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Jade!"

Kaya ba hindi na bumalik dito si Sage ay dahil buntis si Briana?

"Anong problema, Vera?" Nagmadali siyang pumasok dito sa kusina.

"Tapatin mo nga ako. Buntis ba si Briana?"

Nanlaki naman ang mga mata ni Jade at kitang-kita ko ang paglaglag ng mga panga niya.

"Saan mo naman nalaman 'yan?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko.

"Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Kay Zerene ko pa nalaman."

Humagalpak naman sa tawa si Jade.

Tinignan ko siya ng masama "Ano sa tingin mo ang nakakatawa, Jade?"

"Ikaw, Vera. Kasi naman!" Tawang-tawa pa rin siya. "Hindi ko alam kung saan mo napulot 'yan I'm just kidding Zerene about the big sister thingy."

Nakaramdam naman ako ng hiya.

"Kung ang-ano kasing sinasabi mo kay Zerene, e!" singhal ko pa tsaka nagsandok na ng pagkain.

Hindi pa rin siya matapos tapos sa pagtawa.

"Sana pala ay pinaiyak muna kita." Natatawa pa rin siya. Inirapan ko naman siya.

Hanggang sa matapos kami kumain ay tinatawanan pa rin ako ni Jade dahil sa reaksyon ko kanina.

"Kasi naman, Jade! 'Yon talaga ang unang pumasok sa isip ko," ngumuso ako.

Sumeryoso si Jade. "Pero paano kung totoo nga?"

Kumalabog ang dibdib ko.

"Jade, naman!" saway ko pa sa kanya.

Ngumiti lang siya.

"Joke lang, Vera." Natatawa pa siyang umiling-iling.

Pero pakiramdam ko totoo talaga at ayaw lang sabihin sa akin ni Jade.

"Jade, kung totoo man please sabihin mo na sa akin," pakikiusap ko pa.

"Hindi nga kasi, Vera! Masyado lang malawak ang imagination mo,"  sabi niya.

Tinignan ko naman siya.

"Promise?"

She rolled her eyes. "Oo nga."

Chasing Chances (Chasing #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora