Chapter 17

526 23 1
                                    

"Good night, my Queen!" sabi ni Sage nang nasa tapat na kami ng bahay ko.

"Good night, my King!" Hinalikan pa niya 'ko tsaka inutusang pumasok na sa loob. Hindi naman mapawi ang mga ngiti sa labi ko.

Ala una na ng madaling araw kaya tulog na sila Ate Kim. Nauna naman kaming umuwi kina Kyril dahil may pasok ako sa Swiftea mamayang alas sais.

Nagising ako dahil sa ingay ng tunog ng phone ko.

"Hello?" sagot ko habang nakapikit.

"Veranica, wag ka munang pumasok ngayon. Magpahinga ka muna."

Nawala naman ang antok ko sa sinabi ni Michelle.

"Papasok ako kailangan ko ng pera," pagpoprotesta ko. Tuwing weekends na nga lang ang trabaho ko ay tatanggalan pa 'ko ng schedule.

"Basta wag ka na pumasok, day off with pay," sabi pa niya.

Kumunot naman ang noo ko.

"Pinagsasabi mo jan?"

"Basta off mo ngayon. Take a rest, darling, at take note, bayad ang off mo. Ikaw na ang bagong favorite ko ngayon."

Humagikhik pa siya bago patayin ang tawag.

Ano namang trip ni Michelle?

Bumaba naman ako at nadatnan ko si Ate Kim na nagkakape.

"O, bakit ang aga mo?" tanong niya.

"Tinawagan ako ni Michelle off ko daw with pay. Weird."

"Off mo nga. Si Jas ang pumalit sa'yo at sabi nga ni Michelle with pay 'yong off mo. Incentives daw kasi ikaw ang topseller."

"Nagbago ata ang ihip ng hangin," sabi ko. Nagkibit balikat lang si Ate Kim.

"Vera, trending 'yong nangyari kagabi sa ball, ah? Sobrang pretty mo sa part na 'yon!" sabi ni Ate Kim sabay ngisi.

"Nagulat talaga ako, Ate, as in super unexpected. Imagine, kayang gawin ni Sage ang ganoong bagay sa harap ng madaming tao," sabi ko pa tsaka kumuha ng fresh milk. Hindi mabubuo ang umaga ko kapag hindi umiinom ng fresh milk.

"Ganyan naman talaga kapag in love. People do things you least expected and besides si Sage ang tipo ng tao na ipagsisigawan na pag-aari ka niya para wala nang magtangka pang lapitan ka."

Napangiti naman ako.

"O? kinikilig ka jan," pang-aasar pa ni Ate Kim. Natawa naman ako.

"I feel so special tsaka ang strange kasi nung feeling, Ate. Alam mo naman, Sage is my first love kaya mas lalong ang sarap sa pakiramdam."

Ngumiti naman si Ate Kim.

"I'm so happy for you, Vera. Nahanap mo na ang happiness mo," aniya.

"Ano ka ba, Ate! Simula nang dumating kayo dito sa bahay nahanap ko na ulit ang happiness ko. Nakumpleto lang nang dumating si Sage."

Niyakap naman ako ni Ate Kim.

Naalimpungatan ako dahil may tumutusok sa pisngi ko.

"Ano ba!" singhal ko.

"Wake up, sleepy head!" Automatic naman na dumilat ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Sage.

"Nananaginip ba 'ko?" tanong ko nang makita ang gwapong mukha ni Sage sa tabi ko.

Hinalikan naman niya ako.

"You're not!" May mapaglarong ngiti sa labi niya.

"Sage? Paano ka nakapasok?" Nakakahiya ang pangit ko pa naman kapag bagong gising tapos hinalikan niya pa 'ko, ni hindi pa ako nakakapagtoothbrush.

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now