Chapter 43

421 16 0
                                    

"Wala kang bang balak sabihin kay Sage? May karapatan siyang malaman," sabi ni Bri.

Kasalukuyan kaming nagvivideo call at sinabi ko sa kanila ang tungkol sa pagbubuntis ko.

"Oo, Bri, may balak akong sabihin." Hindi naman sila masyadong nagulat dahil napag-usapan na namin ito noong napaparanoid pa lang ako tungkol sa posibilidad na mabuntis ako.

"Kailangan mo ba ng pera, Vera?" nag-aalalang tanong ni Andrea. Nabanggit ko rin kasi iyong tungkol sa 50 million U.S Dollars na pinapabayad ng CEO namin.

"Hindi na, Andrea. May pera rin naman ako sa bangko."

Nakakahiya naman sa mga magulang ni Andrea. Hindi biro ang 50 million U.S dollars.

"Kasya ba 'yon, Vera? Willing din akong mag-ambag," sabi naman ni Bri. Kahit na may tampo pa siya dahil sa naging desisyon ko noon ay hindi niya talaga 'ko matiis.

Nalungkot naman akong isipin na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ni Kyril.

"Ako, Vera, pwede ako magloan. Hindi man kasing laki ng maiaambag ni Bri at Andrea ay mag-aambag pa rin ako," sabi naman ni Ate Kim.

"Ano ba kayo! Okay lang ako. Problema ko 'to at ayoko na maperwisyo kayo."

"We're family, Vera. At ang pamilya ay nagtutulungan," sabi naman ni Ate Kim.

Sumang-ayon pa sila Andrea.

"Vera, bakit hindi mo sabihin kay Sage? Dalawa kayo noong ginawa niyo 'yan kaya dapat ay hindi mo sinosolo ang problemang 'yan and besides kayang kayang bayaran ni Sage ang 50 million U.S dollar," sabi ni Bri na sinang-ayunan naman nila Ate Kim.

"Hindi pa ako handang makipag-usap sa kanya."

Lumungkot ang mga itsura nila pero hindi naman na nila ako kinontra. Nakiusap pa ako sa kanila na wag na wag nilang sasabihin muna sa mga boys dahil ayokong malaman ni Sage.

Dalawang buwan na ang tiyan ko at bumubukol na siya kaya nahihirapan na akong magtago. Kailangan ko na rin sabihin sa agency dahil sa susunod na buwan ay may nakaschedule na akong photoshoot.

Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas ng loob ngayon.

Sa isang araw ko na kasi balak sabihin kay Miss CEO na buntis ako. Nahihirapan na kasi akong itago at hindi na rin naman ako pwede pang magphotoshoot dahil sa lumalaking baby bump ko.

Napabalikwas ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Pagkabukas ko ay bumungad sa'kin si Dark. Itinaas niya pa ang box ng red velvet cupcakes na dala niya.

Ngumuso naman ako.

"Bakit? Ayaw mo ba nito?" tanong niya.

Umiling ako. "Ayoko niyan parang masusuka ako."

"At ano naman ang gusto mo, Vera?"

Biglang sulpot ni Celine.

"Gusto ko ng mangga na may maanghang na bagoong."

Parehong laglag balikat ang reaksyon nung dalawa.

"Anong akala mo nasa Pinas ka?" tanong ni Celine.

"E, sa iyon ang gusto ko!" Pinagsarhan ko sila ng pinto tsaka bumalik sa pagkakahiga.

Hinaplos ko pa ang tiyan ko. "Baby, bakit nga ba ganoon ang gusto mo?

Maghapon lang akong nandito sa kwarto at ayaw kong lumabas. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako kay Dark at Celine siguro ay dahil sa hindi nila maibigay ang gusto kong mangga na may bagoong.

Chasing Chances (Chasing #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu