Chapter 49

420 19 3
                                    

SAGE

Nang bumukas ang pinto at iluwa nito ang babaeng pinakamamahal ko ay dito na tumulo ang mga luha ko dahil sa sobrang kaligayahan na nararamdaman ko.

Finally, the long wait is over!

Naalala ko noong iwan ako ni Vera dahil nalaman niya ang tungkol sa Papa niya.

I was so broke.

Hindi ako basta sumuko. I begged her to stay pero masyado siyang nabulag sa galit na nararamdaman niya at nang sabihin niya na kung mahal ko talaga siya ay palayain ko siya. Then, I let her go. Dahil nakita ko sa mga mata niya na iyon talaga ang gusto niya.

She wants me out of her life.

Nang umalis si Vera nang gabing iyon ay hindi na ako bumalik sa bahay. Sinisi ko si Papa dahil sa nangyari sa amin. Galit na galit ako sa kanya.

Sa sobrang kalasingan ko ay napaaway ako sa bar na pinuntahan ko. I don't know what to do. Masyadong masakit ang pagsuko na ginawa ni Vera.

Tinawagan ko si Zander.

"Hello, man! Happy New Year!" bungad ni Zander sabay tawa.

"Zander." Nagcrack ang boses ko.

"What happened? Where are you?" gulat na tanong ni Zander.

"The paradise." Pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag.

Pinuntahan ako ni Zander kasama sina Brixel, Stephen at Shin.

Nasaksihan nila ang ibang Sage. Nasaksihan nila ang kahinaan ko. Ibang-iba sa Sage na kilala nila.

Dahil sa sobrang sakit ay nagdesisyun ako na bumalik na ng L.A. I booked a flight pero sa araw ng flight ko ay hindi ako tumuloy.

Naalala ko ang pangako ko kay Vera na gagawa at gagawa ako ng paraan para maging kami hanggang sa dulo.

Nagmessage ako kay Celine noong gabi bago ang flight nila kinabukasan.

To Celine:
Let's talk tomorrow 9:00am at the coffee shop beside the airport.

Pumayag naman si Celine.

I explained what happened to me and Vera. Wala akong nakaligtaan na detalye para mapapayag ko siya sa gusto kong mangyari.

Umiyak si Celine pagkatapos kong sabihin sa kanya ang nangyari.

"Celine, gusto kong maging updated sa lahat ng mangyayari kay Vera. Lahat-lahat at walang kulang na detalye. At ikaw lang ang makakatulong sa'kin, Celine...please. Babalikan ko siya kapag handa na siya."

Pumayag naman siya na maging mata ko kay Vera.

Tinupad ni Celine ang pangako niya. Naging updated ako sa nangyayari kay Vera habang nasa London siya.

"Hello, Sage? Nandinto kami ngayon sa isang KTV club. Magcecelebrate lang kami ni Vera kasi sobrang dami niyang projects na natanggap."

Labag man sa kalooban ko ay hinayaan ko na lang.

"Take care of her, Celine. Wag mo siyang painumin ng marami."

Kinuyom ko ang  kamao ko nang tumawag sakin si Celine para ibalitang umaaligid nanaman si Montreal.

"Don't worry, Sage, kinausap ko na si Dark at sinabing babawiin mo si Vera kaya wag na siyang magtangka pa."

"Subukan niya lang ulit makisawsaw, mapapatay ko na talaga siya!"

"What?"

Nang sabihin sa'kin ni Celine na buntis si Vera ay nataranta ako at agad na nagbook ng flight papuntang London.

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now