Chapter 5

670 29 0
                                    

"Veranica, you were distracted!" inis na saway sa'kin ni Gael, iyong photographer namin. "Hindi maganda ang projections mo ngayon. Maybe let's have a break," dagdag niya pa.

"I'm sorry, Gael!" Napakamot ako sa ulo ko tsaka pumunta sa nakakunot noo na si Celine.

"Anong nangyari, Vera? May iniisip ka ba?" tanong sa'kin ni Celine. Humalakhak naman si Kyril at inirapan ko siya.

"Wala naman. I'm just pissed," sabi ko tsaka kinuha ang bottled water ko. Huminga pa ko nang malalim.

Tinawag na ako uli ni Gael. Pinagsabihan pa 'ko ni Celine na ayusin ko at baka magalit sa'kin ang boss namin.

"Last pose, Vera! You're doing great!" Hinawakan ko ang ilang hibla ng buhok ko tsaka nagfierce.

"Perfect!" sigaw ni Gael. Pumalakpak naman si Celine tsaka ako inabutan ng tubig.

"Kelan ang susunod na shoot, Celine?" tanong ko tsaka sumalampak sa sofa ng studio. Si Kyril naman ang nagpophotoshoot ngayon.

"Excited, girl?" tanong ni Celine sabay halakhak.

"Hindi naman, kailangan ko kasi ng mas maraming raket dito sa modeling lalo na at every weekends na lang ako nagtatrabaho sa Swiftea." Kumain ako ng cookies na ibinigay sa'kin ni Kyril kanina.

"Wala pang schedule, Vera. Tigilan mo nga ang pagkain ng cookies, ito dapat sayo. Nakakataba ang kinakain mo." Inagaw niya sakin ang cookies at pinalitan ng whole wheat bread. Napanguso na lang ako.

Naisipan kong ilabas ang phone ko at magbukas ng Facebook account ko nang biglang may nagpop up na message.

Sage:

You still mad?

Napairap ako. Hindi ko siya nireplyan at naglog-out na lang. Nagpaalam na rin sa'kin si Celine na mauuna na siyang umuwi, tumango naman ako. Hindi rin nagtagal ay natapos na rin si Kyril. Sumalampak din siya sa tabi ko.

"Nakakapagod!" reklamo niya tsaka pumikit. Niyaya ko na siyang magbihis para makauwi na kami. Dumaan muna kami sa isang fast food chain. Nagtake out si Kyril ng bucket of chicken. Nagtext daw kasi si Bri na wala pa 'yong dalawa at nagugutom na siya. Naabutan namin si Bri na nakasalampak sa sofa at nanonood ng t.v

"Finally!" Para naman siyang nabunutan ng tinik at mabilis na kinuha ang dalang pagkain ni Kyril tsaka dumerecho sa kusina. Nauna na kaming kumain na tatlo dahil si Ate Kim ay malelate ng uwi samantalang si Andrea ay lumabas kasama si Stephen.

"Kumusta ang first day of school mo, Bri, sa St. Celestine?" tanong ko kay Bri habang kumakain kami.

Freshman lang kasi si Bri habang kami nila Kyril at Andrea ay sophomores at si Ate Kim ay junior na.

"Masaya! Ang daming gwapo!" Humagikhik pa siya.

"Hoy, Briana! Pag-aaral ang atupagin mo!" Natawa ako nang pinagsabihan ni Kyril si Briana habang si Bri naman ay ngumuso.

Biglang may nagdoorbel at tatayo na sana ako pero sabi ni Bri ay siya na lang daw ang titingin kung sino.

"OMG!"

Nagulat kami sa tili ni Bri kaya agad kaming pumunta sa kanya.

"Ano 'yon?" tanong pa ni Kyril nang makarating kami sa may gate. Halos manigas naman ako sa kinatatayuan ko nang makita ang nakatayong si Sage sa harap ng gate namin. May hawak-hawak na mas malaking bouquet kaysa sa binigay ni Liam. Humagikhik pa si Bri at Kyril.

"Iyon naman pala, papalitan naman pala ang bouquet e." Humalakhak pa si Kyril tsaka hinatak papasok sa loob si Bri.

"Are you still mad? I'm sorry!" malungkot na sabi niya tsaka inilahad ang bouquet sakin. Naghuhuramentado naman ang puso ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaamo. Kinuha ko ang bouquet at ngumiti naman siya.

Chasing Chances (Chasing #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon