Chapter 67

440 14 0
                                    

Alas singko palang ng umaga ay nagising na 'ko.  Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kaiisip ko kay Sage. Umasa rin ako na sa paggising ko ay nandito na siya pero hanggang ngayon wala pa rin.

Lumabas ako at nanatiling nakaupo sa malaking bato sa may shore hanggang sa sumikat ang araw.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko si mamang bangkero na inaayos ang bangka niya. Agad ko naman siyang nilapitan.

"Good morning po."

"Magandang umaga rin ho, ma'am. May kailangan ho kayo?" tanong ni Manong sabay ngiti.

Umiling ako. "Wala naman po. Itatanong ko lang po sana kung may sinabi pa po sainyo si Sage? Sinabi niya po ba na hindi siya makakauwi?"

"Naku ho, ma'am! Wala ho. Ang sabi lang ni Sir Sage ay may kikitain pa siyang kliyente na saktong narito rin sa Palawan tapos ay itetext na lang ho daw niya ako kapag magpapasundo na siya."

Tumango naman ako. "Ah, ganon po ba. Manong, pakisabihan naman ako kung susunduin mo na si Sage."

"Sige ho, ma'am."

Naisipan kong bumalik na sa rest house. Dumerecho na 'ko sa kusina para magluto ng umagahan namin.

"Good morning, Vera!" Nilingon ko ang ngiting-ngiti na si Jade.

"Ang ganda ng mood mo, ah?"

"Bawal ba? Masaya lang ako ngayon kasi binigyan ako ni Lord ng panibagong umaga."

Napailing na lang ako.

"Wala pa rin si Kuya mo," sabi ko tsaka ibinalik ang tingin ko sa niluluto ko.

"Don't worry about him, Vera, nakausap ko na siya kagabi at nasa Maynila siya at may inaayos siya para sa negosyo."

Agad akong napalingon kay Jade.

"Maynila? Bakit hindi man lang niya sinabi? Hindi ako nakatulog dahil sa pag-aalala. Can I borrow your phone, Jade?"

Tumango naman si Jade tsaka kinuha ang phone niya sa taas.

Pagkaabot niya ng phone niya ay agad kong idinial ang number ni Sage. Nakailang ring pa bago niya sagutin.

"Hello, Jade? Natutulog pa si Kuya mo-"

Agad kong pinatay ang tawag.

"Bakit, Vera?" tanong ni Jade.

"Ano, si Bri kasi 'yong sumagot nung tawag. Magkasama pala sila," mapait na sabi ko. Ibinalik ko 'yong phone ni Jade.

"Ah, oo! Business partners kasi sila."

"May business pala sila?"

Tumango si Jade. "Oo may sariling hotel na si Kuya. Magtatatlong taon na rin yung nakakalipas."

Tumango lang ako kay Jade tsaka itinuloy na ulit ang pagluluto ko.

"Ang sabi naman ni Kuya babalik na rin siya dito bukas."

"Ah, okay," walang ganang sabi ko.

Nagngingitngit ang kalooban ko.

Nagkaayos na ba sila ni Briana? Kaya ba biglaan na rin ang pag-alis niya? Pwede naman kasing umuwi muna siya dito kahapon bago pumuntang Maynila. Narealize ba niya na mahal talaga niya si Briana? Na hindi komplikado kapag si Briana ang pinili niya?

"Aray!" daing ko nang mapadikit ang kamay ko sa kawali.

"Wag ka kasing mag-isip ng kung anu-ano jan, Vera."

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now