Epilogue

919 32 9
                                    

Hindi ako nakatulog dahil sa sobrang excitement ko. Alas singko pa lang ng umaga ay palakad-lakad na 'ko dito sa sala.

Oh, God! It's my wedding day!

Sobra akong naeexcite at the same time ay kinakabahan ako. Baka mamaya ay may panibago nanaman na pagsubok ang kaharapin namin ni Sage.

"Hoy! Anong ginagawa mo jan? Napakaaga pa, ah?" tanong ni Kyril na kabababa lang ng hagdan.

It's been three days since we've went to La Fortuna Island at ngayon nandito na kami sa Montreal dahil dito gaganapin ang kasal namin ni Sage.

"Hindi kasi ako nakatulog, Ky. Kinakabahan ako. Baka mamaya hindi nanaman matuloy ang kasal." Feeling ko hindi na maipinta ang mukha ko ngayon.

Kinuwento na ni Sage kung paano niya nakuha ang DNA test and I'm so thankful to Dark. He is the most selfless person I've ever known.

"Gaga! Wag ka ngang negative jan!" singhal pa ni Kyril.

"Kasi naman! Nakakatakot kaya 'yong daddy ni Sage, hindi natin alam kung ano pa ang pwede niyang gawin wag lang kami magkatuluyan ni Sage."

Hindi pa rin ako makapaniwala na kayang makita ng ama ni Sage na nagdudusa ang sarili niyang anak.

Hinawakan ni Kyril ang kamay ko. "Don't think too much, Vera. Mahahaggard ka niyan. Sige ka! Kasal na kasal mo ang pangit mo."

"Pero kasi-"

"No more buts, Vera! Umakyat ka na sa kwarto mo. Magbeauty rest ka na muna doon." Pinagtutulak pa ako ni Kyril kaya wala na akong nagawa kundi umakyat.

Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako at nagising ako dahil sa pagyugyog sa'kin ni Celine.

"Maghanda ka na, Vera. Babalik ako dito pagkatapos mong maligo." Ngumiti pa sa akin si Celine.

Tumango naman ako.

Si Celine ang mag-aayos sa akin habang ang ibang mga make up artist naman mula sa Queenz ang mag-aayos kina Kyril.

Paglabas ko galing c.r. ay nakaupo na si Celine at Sazy sa kama ko. Si Sazy ang siyang magiging photographer habang nandito kami sa bahay.

Ngumiti siya sa akin. "Are you excited?"

"Oo, sobra. Kaya lang ay kinakabahan din ako."

"Wag kang kabahan jan. It's your day. Hindi namin hahayaan na may sumira nanaman. You deserve to be happy. Halika na, baka mamaya malate ka pa sa kasal mo."

Pinaupo na ko ni Celine at sinimulang iblower ang buhok ko.

Hindi ko alam kung anong itsura ng gown ko. Kung saan ang reception venue. Wala akong alam sa mga detalye ng kasal ko basta ang alam ko lang ay ikakasal na ako kay Sage.

Habang inaayusan ako ni Celine ay panay kuha naman ng litraro ni Sazy.

Halos isang oras din akong inayusan ni Celine. Napangiti naman ako nang makita ang itsura ko sa salamin.

"You never fails to make me beautiful, Celine. Simula noon hanggang ngayon." Niyakap ko naman siya.

"Maganda ka naman kasi talaga. I'm so happy for you, Vera. Sa lahat ng mga masasakit na pangyayari na nangyari sa buhay mo, you really deserve this."

Nangilid naman ang mga luha ko. "Pinapaiyak mo naman ako, e."

"Okay lang. Waterproof naman ang make up mo." Nagtawanan pa kaming tatlo.

"You can now open the box," excited na sabi ni Sazy. Itinuro niya pa ang isang malaking white box na nasa may kama.

Excited naman akong binuksan at tuluyang tumulo ang luha mula sa mga mata ko.

Chasing Chances (Chasing #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon