Chapter 14

556 23 0
                                    

Nasa likod ko si Sage at yakap yakap niya 'ko habang pinapanood namin ang fireworks display dito sa rooftop. Sa eksena sa mga movie ko lang nakikita 'yong ganitong moment.

"Are you happy, love?" tanong ni Sage.

"Of course! I'm with you, e." Humigpit pa ang yakap niya tsaka ipinatong ang baba niya sa balikat ko.

Nang matapos ang fireworks display ay magkahawak kamay kaming bumaba ni Sage. Nagpunta kami sa soccer field dahil nandoon daw sila Kyril sabi ni Sage.

Nadatnan namin silang naglalatag ng malaking tela.

"Sakto ang dating niyo, mag-uumpisa pa lang ang picnic," masayang sabi ni Jade.

Nandoon na rin sina Shin at Stephen kaya kumpleto kami ngayon.

"Halika, Vera! Samahan mo ko bumili ng ice cream." Hinawakan pa ni Shin ang pulso ko at halatang inaasar niya si Sage.

"Shin, hands off!" madiin na sabi ni Sage.

"Kung makaasta ka, Sage, akala mo ay boyfriend ka na talaga," sabi ni Shin sabay halakhak.

Inakbayan naman ako ni Sage.

"Well, I'm sorry to tell you, bro, but I'm already his boyfriend." Ngumisi si Sage. Nagtitili naman ang girls.

"OMG!"sigaw pa ni Jade.

"Congrats sainyo!" bati naman ni Ate Kim.

"Congrats, man!" Nakipagfist bomb pa si Brixel kay Sage.

"Well, I'm not surprised anymore. Sage will be Sage," sabi ni Stephen at ngumisi.

"May nalalaman ka pang magpapaligaw ka muna, Vera. E, wala pa ngang 24 hours, arte arte," pang-aasar pa Kyril.

"Shut up, Kyril!" nahihiyang sabi ko. Naghalakhakan naman sila.

"So happy for the both of you." Ngumiti si Ate Kim.

"So ano ka ngayon Shin?" si Alezander.

"Ikaw na nga lang, Briana," sabi niya tsaka hinila si Bri. Nagprotesta pa si Bri pero wala na siyang nagawa.

Mahigpit na hinawakan ni Sage ang kamay ko. Nginitian ko naman siya.

Puro tawanan ang ginawa namin at panunukso kina Bri at Shin, parang diring diri naman sila sa isa't isa.

"Let's capture this moment kasi mamimiss ko ito kapag bumalik na ko sa L.A.," sabi ni Jade tsaka inilabas ang phone niya at nagpicture kami.

"Kelan ba ang balik mo sa L.A?" tanong ni Kyril.

"Probably next week. Pasukan na rin kasi," sagot ni Jade.

"Aww! We're gonna miss you, Jadey!" sabi naman ni Briana.

"I'm gonna miss you all too, but don't worry babalik naman ako." Ngumiti si Jade.

Nagtatawanan kami nang biglang bumuhos ang ulan kaya dali-dali kaming sumilong. Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Sage papunta sa ulanan kaya nataranta ako at ibinato ang sling bag ko sa pinagsisilungan namin dahil baka mabasa ang phone ko.

"Ano ba, Sage!"

Tumatawa lang si Sage.

"Let's enjoy the rain, love." Ngumiti naman ako kay Sage. Sumunod naman sila sa amin at naligo rin sa ulan.

Para kaming mga bata lahat na nagtaktakbuhan at naghahabulan sa gitna ng ulan. Hinabol pa ako ni Sage at nang maabutan niya 'ko ay hinawakan niya ko sa bewang at tsaka hinalikan.

"Oh, My God!"

Naitulak ko si Sage nang marinig ko si Bri. Tinakpan niya ang mata niya tsaka lumayo sa amin.

Chasing Chances (Chasing #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon