Chapter 59

360 17 0
                                    

Ilang linggo na akong hindi kinakausap ni Dark. Tuwing may tinatanong ako sa kanya ay tanging iling o 'di kaya'y tango lang ang tanging sinasagot niya.

"Papa!"

Agad na tumakbo si Zerene para salubungin si Dark na kadadating lang.

Binuhat niya si Zerene. "Hello, my princess! Papa have something for you."

Ibinaba niya si Zerene pagkatapos ay iniabot niya ang paper bag na dala niya.

"Look, Mommy!" Tuwang-tuwa si Zerene nang makita na doll ang laman ng paper bag.

"What should you say to Papa, Zerene?"

"Thank you, Papa!" Humalik pa siya sa pisngi ni Dark.

Ngumiti naman si Dark. "Your always welcome, baby."

"Dark, may niluto na 'kong pagkain."

Tumango lang sa akin si Dark tsaka umakyat sa taas.

Hindi na bumaba si Dark kaya naisipan kong mauna na lang kami ni Zerene kumain.

Paakyat na kami ni Zerene nang makasalubong ko sa hagdan si Dark. Nagkatinginan kami pero nag-iwas siya ng tingin.

"Good night, Zerene." Humalik pa siya sa ulo ni Zerene.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil naalimpungatan ako. Hindi na ako makatulog kaya naisipan kong bumangon na at magluto ng almusal.

Nagulat naman ako nang pagpasok ko sa kusina ay nagluluto na si Dark.

"Dark, bakit ang aga mo nagising?"

Tanging kibit-balikat lang ang isinagot sa akin ni Dark.

"Galit ka pa rin ba sa akin?"

Bumuntong hininga pa siya. "I'm not mad, Vera. I just distance myself from you pero nakakatawa lang dahil kahit ilayo ko ang sarili ko saiyo ay huli na ang lahat. I'm already fell deeply in love with you."

"Dark, sorry!" malungkot na sabi ko.

"You shouldn't be. Hindi mo naman sinabing mahalin kita."

Patuloy lang siya sa pagluluto niya.

"I love you, Vera, to the point na okay lang sa akin na gamitin mo 'ko para makalimutan mo siya."

"Pero masasaktan lang tayo, Dark. Masasaktan ka."

Humarap siya sa akin. "Love make us do stupid things and now I think I'm the stupidest person alive, but it's okay basta para sa'yo, Vera....it's okay."

Bumaling ulit si Dark sa niluluto niya.

"Gusto kong maging okay tayo, Dark."

Lumapit siya sa akin. "Matitiis ba naman kita?" Pinisil niya pa ang ilong ko pero kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Kahit na paulit-ulit mo kong ireject, I just want you to know that I will never get tired courting you. Liligawan kita hanggang sa makulitan ka sa'kin at sagutin na 'ko." Pumeke pa ng tawa si Dark.

"Dark, naman!"

"'Di mo ako mapipigilan. Believe me, I'm persistent enough to win your heart, baby." Kumindat pa sa akin si Dark.

Ngumuso naman ako.

"Dark!" singhal ko nang pahiran niya ako ng chocolate syrup sa pisngi.

Tumawa lang si Dark.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ah! Ito gusto mo. O, ayan!" Pinaharin ko siya ng mas madaming chocolate syrup tsaka ko lumayo sa kanya.

"Ah ganon!"

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now