Chapter 70

692 18 1
                                    

Sage

"Hey, Brixel. Diba si Briana 'yon?" Patungkol ko sa kapatid ng kaibigan ko.

Tumango siya.

"Who's that girl? The one whose wearing a black skater dress."

"Si Veranica 'yan," biglang singit ng best friend kong si Zander. Kumunot ang noo ko. "Veranica Angeles," dagdag niya pa.

Tumango-tango naman ako.

Magmula nang pumasok dito sa The Paradise ang grupo nila Briana ay hindi na maalis-alis ang tingin ko doon sa Veranica.

There is something about her that attracts me. Yes, I admit she is very attractive.

"Bakit? Trip mo?" panunukso pa ni Zander.

Nagkibit-balikat lang ako kaya kinantyawan nila ako.

"Basta sa akin si Andrea." Ngumisi pa ang babaerong si Stephen.

"Bahala kayo basta stay away from my sister and Kim." Nag-iwas ng tingin si Brixel kaya siya naman ang inulan ng kantyaw. Napailing na lang ako.

Damn that girl!

Nagsimulang sumayaw si Veranica. Pinagkrus ko ang dalawang braso ko tsaka derecho siyang tinignan.

Napangiti ako. Veranica Angeles.

Nakuha ko ang number niya kay Brixel. Kakatapos lang namin mag-inuman at naisipan kong tawagan si Vera.

Alas tres na ng madaling araw but I want to hear her voice.

"Hello?"

Damn! Boses pa lang niya ay parang mawawala na ako sa sarili ko.

"Veranica, shit!"

Agad kong pinatay dahil halos mabingi ako sa lakas nang tibok ng puso ko. That girl makes me crazy.

Opening ng club nila Brixel at kasalukuyan kaming nandito sa loob ng VIP room.

"Where have you been, Brix?" kunot noong tanong ni Stephen. Matagal din kasi siyang nawala.

"Kay Kim," simpleng sagot ni Brixel.

"You mean nanjan si Andrea?" tanong ni Stephen sabay ngisi.

Tumango naman si Brixel. "Bagsak na nga sa may VIP seats kasama si Vera." Sumulyap pa sa akin si Brixel.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapangiti. Tumayo ako at nagpaalam na pupunta lang ng rest room. Nakakaloko nila akong tinignan at inulan ng kantyaw. Natatawa akong lumabas ng VIP room.

Ang totoo ay wala akong balak pumunta sa rest room gusto ko lang makita si Veranica.

Papunta pa lang ako sa VIP seats ay natanaw ko na tumatakbo papunta sa direksyon ko si Vera. Nastuck ako sa kinatatayuan ko at tila ayaw gumalaw ng mga paa ko.

"Hindi ka man lang ba magsosorry?" inis na sigaw niya nang mabunggo siya sa akin.

"You were my blocking my way, so why would I?" Pinilit ko na walang ipakitang ekspresyon tsaka siya nilagpasan.

"Antipatiko!"

Napangiti naman ako.

And from that day, sinabi ko sa sarili ko na magiging akin siya. I will make you mine, Veranica Angeles.

Nagyaya si Brixel sa isang tea shop na malapit sa gymnasium kung saan kami naglaro ng basketball.

Nagulat ako nang makita si Veranica. Pinigilan ko ang sarili ko na mapangiti.

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now