Chapter 56

385 12 1
                                    

Nakatulala lang ako sa byahe namin pauwi ng Pilipinas. Hindi matigil-tigil ang mga luha ko sa pagpatak mula sa mga mata ko.

Tinignan ko ang anak ko na nasa mga braso ko.

It's going to be okay, my little princess.

"You made the right decision, Vera."

Hindi ko pinansin ang daddy ni Sage.

Sa private plane ng mga Wainwright kami nakasakay at wala akong ideya kung saan ba kami pupunta. Konting gamit lang ang nadala ko dahil nagmamadali ako at natatakot akong maabutan ako ni Sage. Natatakot akong maabutan niya na muli kong binabali ang mga pangako ko sa kanya.

Para sa ikakatatahimik ng lahat, Sage. I need to do this. Sorry sa pagiging duwag para lumaban sa ating dalawa. Natatakot ako para sa anak natin. Natatakot akong siya ang magdusa kung ipipilit natin ang mali. I'm doing this for the sake of Zerene at sana maintindihan mo ako, Sage.

Napahagulhol ako.

Bakit napakalupit ng tadhana sa akin....samin? Lagi ko nang kinukwestyon ang nasa itaas kung ano bang kasalanan ko para parusahan niya ako ng ganito.

Pagkalapag ng eroplano ay may naghihintay na van sa amin.

Panigurado sa mga oras na ito ay alam na ni Sage na iniwan ko na siya...na iniwan nanamin siya ng anak niya.

Nakarating kami sa isang liblib na lugar dito sa Palawan. Tumigil ang van sa isang kulay puting gate.

"Nandito na tayo, Vera,"sabi ni Philip.

Inalalayan pa ako nung driver dahil hawak ko si baby Zerene.

Pagpasok sa loob ng gate ay bubungad sa'yo ang isang two storey house. Sa harap nito ay may garden na mayroong gazebo.

"Simula ngayon ay dito na kayo titira ng apo ko, anak. Kailangan niyo na malayo kay Sage dahil alam kong pupuntahan at pupuntahan niya kayo."

Hindi ko siya pinansin at pumasok na 'ko sa loob pero naistatwa ako nang may pamilyar na lalaki na nakaupo sa sofa at derechong nakatingin sa akin.

"Dark?"

Hindi ako makapaniwala.

Agad siyang lumapit sakin at hinalikan ang noo ko.

"Kumusta ka, Vera?" malungkot na tanong niya.

"Napag-alaman ko na magkaibigan kayo ni Dark and his father is a very good friend of mine, Vera. Pinakiusap ko kay Dark na bantayan kayo ng apo ko and I'm glad hindi na siya nagdalawang isip,"sabi pa ni Philip.

"Nang malaman ko na magkapatid kayo ni Sage ay sobra akong nag-alala sa'yo, Vera."

"Saan ang kwarto namin ni Zerene? I want to rest," walang ganang tanong ko kay Philip.

"Doon sa kanan, Vera." Tumuro pa siya sa taas. "And , Veranica, you can call me Daddy."

Hindi ko na siya pinansin at nagderederecho na 'ko sa pag-akyat. Pagpasok ko sa loob ay dahan-dahan kong ibinaba sa kama si Zerene.

Malaki ang kwarto para sa amin ni Zerene. Sa gilid nito ay may kulay pink na crib. Meron ding television at mini refrigerator sa loob. Mayroon na ring sariling rest room.

Nakatulala lang ako. Pakiramdam ko ay naubos na ang mga luha ko dahil sa pag-iyak ko sa buong byahe.

Tinignan ko ang anak ko na mahimbing na natutulog.

"Mahal na mahal kita, Zerene. Sorry kung kinailangan nating iwan ang daddy mo."

Hindi na ako nagpalit ng damit dahil bukod sa pagod ako sa byahe ay hinang-hina na rin ako. Inilipat ko lang ang natutulog na si Zerene sa crib niya tsaka humiga na rin sa kama.

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now