Chapter 52

382 13 0
                                    

Hindi rin nagtagal ay bumangon na ako. Alas syete na pala ng gabi at napasarap ang tulog ko.

Paglabas ko pa lang sa kwarto ay naamoy ko na agad ang bango ng niluluto ni Sage.

Nang makarating ako sa kusina ay napangiti ako tsaka niyakap si Sage mula sa likod.

"How's your sleep?" tanong ni Sage.

Ipinatong ko ang baba ko sa balikat ni Sage. "Ang sarap ng tulog ko."

Hinarap naman ako ni Sage pagkatapos ay umupo siya para halikan ang tyan ko.

"Can't wait to see you, my little princess. Labas ka na jan."

Natawa naman ako nang ngumuso si Sage na parang bata.

Tumayo siya pagkatapos ay binigyan ako ng smack.

"Maupo ka na jan, love at malapit na 'tong maluto." Inalalayan pa ako ni Sage paupo.

Hindi naman mawala-wala ang ngiti sa mga labi ko habang pinapanood si Sage na nagluluto. Sobrang lakas ng dating niya na akala mo ay nagpophotoshoot lang siya ngayon at hindi totoong nagluluto.

"Why are you smiling?" Tumaas pa ang isang kilay niya.

Umiling naman ako pero lalong lumawak ang ngiti sa labi ko.

"What are you smiling at, Veranica?" Pinagkrus niya pa ang mga braso niya. "Pinagtitripan mo ba 'ko?"

Natawa pa ako nang maningkit ang mga mata niya.

"Hindi! Naisip ko lang kung bakit ang daya ng Diyos dahil napakaperpekto ng pagkakagawa sa'yo."

Sumilay ang nakakalokong ngiti ni Sage. "Masyado kang in love sa kagwapuhan ko." Kumindat pa siya sakin.

Natawa naman ako.

Wala tayong magagawa. Malakas ang loob na magyabang dahil totoo naman na gwapo siya. Kulang ang salitang gwapo para idescribe ang perpektong lalaki na nasa harapan ko.

"May naisip ka na bang pangalan para sa baby girl natin?" tanong ni Sage habang kumakain kami.

"Ikaw ba? May gusto kang ipangalan sa kanya?"

Hinawakan ni Sage ang kamay ko.

"Kung anong gusto mo ay iyon din ang gusto ko, Vera." Ngumiti pa siya.

"Sigurado ka ba?" Tumango naman si Sage.

Napangiti naman ako.

"So what's her name?" Hinaplos niya pa ang baby bump ko.

"Zerene Allona." I smiled.

Lumawak naman ang ngiti ni Sage tsaka tumango tango. "Zerene Allona Wainwright."

"Ang sarap pakinggan." Pakiramdam ko ay mapupunit ang labi ko sa laki ng pagkakangiti ko.

"I'm so excited to see you, our Zerene Allona!" masayang sabi pa ni Sage.

Nagising kami kinabukasan dahil sa lakas ng katok sa pintuan. Paglingon ko kay Sage ay ang sarap pa ng tulog niya.

"Sage!"

"Sage!"

"Hmm?"

Nakapikit pa rin siya.

"May kumakatok sa pintuan." Dumilat naman si Sage at kumunot ang noo. "What time is it?"

"6:00am"

Lalong lumakas ang pagkalampag sa pintuan.

Tumayo si Sage at sumunod naman ako sa kanya.

Chasing Chances (Chasing #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon