Chapter 6

593 33 0
                                    

Naglalakad na kami papunta sa parking lot ng St. Celestine ni Kyril dahil ihahatid na daw kami ni Brixel pauwi. Nadatnan namin na nag-uusap usap sina Sage, Alezander at Brixel.

"Wag kayong mawawala sa Sabado, Jade will kill me." Humalakhak pa si Sage. Napalunok naman ako.

"Hindi yan, love na love ka kaya ni Jade," sabi ni Brixel sabay ngisi. Mas lalong napahalakhak si Sage.

"Kyril, sabay ka na sa'kin. Samahan mo 'ko sa Montreal Mall, libre kita!" Napangisi si Kyril tsaka mabilis na lumapit kay Zander.

"Sage, baka gusto mo ring isabay si Vera? Baka gusto mo lang naman." Natatawang si Brixel. Umiling lang si Sage tsaka pumasok sa kotse niya. Pumasok na rin ako sa backseat ng sasakyan ni Brixel.

Tahimik at nakatingin lang ako sa labas buong byahe. Mas maganda nga siguro na iniiwasan ako ni Sage. Ito naman 'yong gusto ko, pero bakit parang nalulungkot ako?

Pagdating sa bahay ay dumerecho na 'ko sa loob ng kwarto ko tsaka umupo sa may kama ko. Kinuha ko ang picture frame ni Mama sa may side table.

"Hi, Ma! Alam ko masaya ka na ngayon, nakita ko nanaman 'yong pinakamagandang ngiti sa lahat." Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko.

"Ma, I miss you so much!" Sinikap kong ngumiti tsaka niyakap ang picture frame ni mama. "I love you, Mama!" bulong ko pa.

Nasa ganoong pwesto ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ate Kim. Tumayo siya sa harap ko tsaka ako niyakap.

"Ang tagal na kitang hindi narinig na umiyak." Lalo akong naiyak sa sinabi ni Ate Kim.

"Naalala ko lang si Mama. Napanaginipan ko siya." Humihikbi ako. Umupo naman si ate Kim sa harap ko.

"Nakangiti siya sa'kin. She looks very happy." Pinipilit kong ngumiti kahit umiiyak.

"Baka iyon din 'yong gusto niyang mangyari sayo, Vera. Your mom wants you to be happy too." Tinignan ko naman si Ate Kim.

"Masaya naman ako. Masaya ako at kasama kayo." Hindi ko maiwasan ang paghikbi ko.

"Pero hindi ka buo, Vera! Hindi ka lubusang magiging masaya kung may galit pa rin sa puso mo."

Nakita ko ang pangingilid ng luha ni Ate Kim.

"Maybe it's about time na patawarin mo na ang papa mo, Vera, na hindi mo na rin sisihin ang sarili mo sa nangyari sa mama mo." Lumuluha na rin ngayon si Ate Kim.

"Hindi madaling makalimot, Ate. Sinubukan ko, ilang taon kong sinubukan pero wala pa rin." Lumakas nanaman ang iyak ko.

"I never said that you need to forget everything, Vera. I'm just saying that you need to forgive, 'cause forgiveness is the way to genuine happiness and I want you to be happy 'cause I love you." Napahagulhol ako at niyakap si Ate Kim.

"But how?"

"Acceptance, Vera. Accept it. Acceptance will heal you, I assure you."

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Ate Kim.

"I will try."

Ngumiti siya sa'kin tsaka pinunasan ang mga luha ko.

Everything has its own purpose. Iniwan kami ni Papa, nawala si Mama pero dumating sila Ate Kim. After all, God is still really good.

Nagpaalam na muna sa'kin si Ate Kim dahil magluluto pa siya ng hapunan. Sila Andrea at Bri naman ang pumasok sa kwarto ko. Humiga pa sila sa magkabilang gilid ko tsaka yumakap sa'kin.

"You two are the sweetest." Nangiti ako. Lalo naman humigpit ang yakap nila.

"We love you so much, Vera!"sabay na sabi nila. Lalo naman lumaki ang ngiti ko.

Chasing Chances (Chasing #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang