Chapter 46

395 19 3
                                    

"Vera, kahit na ayaw mo na akong makita ay nagpumilit pa rin ako na pumunta dito," malungkot na sabi niya.

"Vera, gusto kong humingi ng tawad sa'yo. Alam ko malaki ang pagkukulang ko saiyo at gusto kong bumawi. Give me another chance, Vera."

Nangilid ang mga luha ko. "Hindi madali ang pinagdaanan ko. Namatay si Mama at ikaw tuluyan mo na akong tinalikuran. Lagi kong ipinagdadasal na sana ay kunin na 'ko ni Mama kasi ang hirap....ang sakit sakit. I'm just a 13 years old girl at hindi ko alam kung paano ako magpapatuloy mag-isa." Napahikbi ako.

"Veranica, patawarin mo ako. Mahal na mahal kita, anak ko. Kung sana ay maibabalik ko lang ang nakaraan, hinding hindi na ako aalis nung gabi na 'yon at titiisin ko na lang ang mga pang-iinsulto ng mama mo." Umiiyak na si Papa.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Pwede tayong magsimula ulit, Papa."

Agad naman akong niyakap ni Papa. "I'm sorry, anak ko! Pangako sa pagkakataon na 'to ay mas magiging mabuting ama na ako para sa'yo. Salama, Vera!"

Niyakap ko rin si Papa. Sobrang sarap sa pakiramdam na meron ka na uling ama. Hindi madaling makalimot pero ang pagpapatawad ang unang hakbang. Dadahan dahanin ko hanggang sa tuluyan nang mabura ang mga masasakit na ala-ala.

"Si Sage ba ang ama ng magiging apo ko?" tanong ni Papa pagkabitaw namin mula sa pagyayakapan. Nag-aalangan naman akong tumango.

"Alam niya ba?" tanong ni papa. "Nang maghiwalay kayo ay galit na galit sa akin si Sage at ako ang sinisisi niya."

"Pa, hindi pa po kami nagkakausap ni Sage at ang gusto ko po sana ay ako mismo ang magsabi ng tungkol sa pagbubuntis ko."

"Kung 'yan ang gusto mo." Hinawakan ni papa ang kamay ko tsaka ngumiti. "Sana ay magkaayos na kayo ni Sage."

Sana nga.

Hindi rin nagtagal si Papa dahil may mga kailangan siyang asikasuhin. Hiningi niya kay Jade ang address ko dito kaya napuntahan niya ako. Nangako pa siya na pagdating sa Pilipinas ay sa iisang bahay na ulit kami titira pero tinanggihan ko naman siya dahil alam kong ayaw niya din mawalay sa mommy ni Sage kaya kinumbinsi ko na lang siya na bisitahin niya na lang ako dahil occupied na lahat ng room sa bahay sa pagtira nila Ate Kim.

"Are you happy?" tanong ni Dark nang makaalis na si Papa.

Tumango naman ako. "Siyempre naman. Nagkaayos na kami ni Papa."

"Then, I'm so happy for you." Pinisil niya pa ang pisngi ko.

Lumipas pa ang ilang linggo. Anim na buwan na ang baby ko at excited na akong malaman kung anong gender niya. Hindi na rin ako lumalabas ng bahay dahil natatakot akong magkrus nanaman ang landas namin ni Sage. Hindi ko rin naman siya makakausap dahil laging nakabuntont si Gabriela sa kanya.

Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko tsaka bumangon. Tinatamad pa akong bumangon dahil pakiramdam ko ay antok na antok pa 'ko kahit na maaga naman akong natulog kagabi.

Humihikab pa ako paglabas ko ng pinto ng kwarto ko.

"Happy Birthday, Vera!" sabay sabay na sigaw nila Celine, Dark, Liam, Sazy at Papa.

Nakita ko sa screen ng laptop ko sila Ate Kim na may hawak-hawak pang cake

Nanlaki naman ang mata ko. Punong-puno ng mga balloons ang buong sala.

May tarpaulin pa na kung saan nandoon ang mga picture ko at may nakalagay na Happy 22nd Birthday Veranica.

Napangiti naman ako.

Nakalimutan ko ang birthday ko pero sila hindi nila nakalimutan.

"You guys are the sweetest!" mangiyak-ngiyak pa na sabi ko sa sobrang tuwa na nararamdaman ng puso ko.

Chasing Chances (Chasing #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon