Chapter 42

409 14 0
                                    

Inaayusan ako ngayon ni Celine dahil mamaya lang ay magsisimula na ang photoshoot ko. Mabuti na nga lang at simula kahapon ay bumuti na ang pakiramdam ko. Gumaan naman ang loob ko dahil malaki din ang chance na hindi nga ako buntis.

Super enjoy 'yong photoshoot ko ngayon dahil maraming theme at hindi lang isa. Merong fierce, sweet at meron rin na nakasuot ako ng uniform ko sa Imperial College.

All about me

'Yan kasi ang main theme ng magazine. Kailangan ko na rin daw kasi magkaroon ng magazine na puro tungkol lang sa akin. Lumalaki na ang fan base ko dito sa London at sinisikap na ng agency ko na pasikatin ako para kapag daw inirefer na ako sa mas malaking agency na nakabase sa U.S. na siyang sister company nitong agency namin ay mas madali akong matatanggap at hindi ko na kailangan dumaan sa napakaraming screening.

"Okay, Nica. Put your hands up then give me a teasing look," utos pa ng photographer na agad ko namang sinunod.

"Now, hold your right shoulder using your left hand then give me a seductive smile." Agad ko rin na ginawa ang sinabi niya.

"Very good! Be ready for the next look."

Pumalakpak pa si Celine tsaka ako inalalayan papasok sa dressing room.

"Ang galing galing mo talaga, Vera!" papuri pa ni Celine.

Hindi sexy ang suot ko ngayon dahil innocent ang theme. Pinalitan din ni Celine ang kulay pula kong lipstick ng kulay pink.

"Give me an innocent look, Nica!" sigaw pa nang photographer. Nahagip pa ng mata ko si Dark na nasa pinto ng studio. Ngumiti pa siya sa'kin.

Biglang lumabo ang paningin ko hanggang sa unti-unting nagdilim.

Nagising ako dahil sa narinig kong ingay. Pagmulat ko ay naaninag ko si Celine na may kausap sa phone niya.

"Okay naman na siya. Kumalma ka muna. Malaki ngang problema 'to. Paano kung hindi niya pa tanggap? Oo nga kasi. Calm down!. Ako na bahala. Ha? Oo na, sige sige na."

"Celine," napapaos na tawag ko.

"Vera, buti naman nagising ka na," thankful na sabi ni Celine. "Kumusta ka na?"

"Masakit lang ng konti ang ulo ko. Anong nangyari?"

"Nagpass out ka lang naman habang nagpophotoshoot ka. Halos maloka kaming lahat doon kaya sinugod ka namin ni Dark dito sa ospital." Pansin ko naman na parang hindi maipinta ang mukha ni Celine.

"May problema ba, Celine?" tanong ko.

Kumamot pa si Celine sa ulo niya. Hindi niya mawari kung magsasalita ba siya o ano.

"Spill it," sabi

Huminga pa siya ng malalim. "Wag kang mabibigla, Vera, ah?"

Sa sinabi niya ay bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay naninigas na ako sa hinihigaan ko.

Nandito ako ngayon sa ospital.

Nagpass out ako kanina.

Hindi maipinta ang mukha ni Celine.

Kinakabahan ako. Wag naman sana.

"Kasi ano, Vera. Paano ko ba sasabihin?" Napahilamos pa siya sa mukha niya.

Huminga ako ng malalim. "Celine, am I pregnant?"

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Celine.

Nag-aalangan pa siyang tumango.

Para akong binuhusan ng sobrang lamig na tubig. Napasabunot pa 'ko sa buhok ko.

May kutob na ako pero hindi ko pa rin matanggap. I'm almost living my dream.

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now