Chapter 28

440 24 0
                                    

Hindi ko alam kung pinauwi na ba ni Celine si Sage. Hindi kasi ako lumalabas ng kwarto dahil ayokong magkaharap nanaman kami.

Naisipan kong tumawag kina Ate Kim. I need them now.

"Vera, what happened? Bakit namumugto ang mga mata mo?" nag-aalalang tanong ni Ate Kim.

Katabi niya si Kyril habang nasa likod naman niya sina Andrea at Bri.

"He's here."

Parang may bumara nanaman sa lalamunan ko at ano mang oras ay pwedeng tumulo ang mga luha ko.

Wala akong pagkabigla na nakita sa mga mukha nila. Lumungkot ang ekspresyon nila.

"Alam niyo?" tanong ko.

Bumuntong hininga si Ate Kim.

"Yes, Vera. Actually sa tatlong taon mo jan ay ganoon na din katagal dito sa Pilipinas si Sage," pagsisimula ni Ate Kim.

"What? At alam niyong pupuntahan niya ako dito at ni hindi niyo man lang ako sinabihan?" Pinipigil ko ang mga luha na nagbabadya nanamang tumulo.

"Hear us first, Vera," ani Kyril. "One month pagkaalis mo ay bumalik si Sage dito." Bumuntong hininga siya.

"Hindi niya nakayanan ang balita tungkol sa daddy niya. His dad means everything to him. Aminado siyang wala siyang ibang naisip noon kung hindi ang kalagayan ng daddy niya," dagdag pa niya.

"Pagkarating niya ng L.A ay hindi niya inasahan na totoo ang balita and his dad was almost dying." Sumisinghot pa si Bri.

Hindi ako nagsasalita. I just want to hear everything dahil baka sa paraan na ito ay dito ko mahanap ang nawawalang mga piraso ng puzzle.

"Tatlong linggo siyang walang tulog para bantayan ang daddy niya. Wala siyang ibang maisip kung hindi ang daddy niya. Gusto niyang mabuhay ang daddy niya at masakit man ay noong mga panahon na iyon ay nawala ka sa isip niya," pagpapatuloy ni Bri.

"Naging mas matimbang ang daddy niya at inisip niya sa oras na gumaling ang daddy niya ay babalikan ka niya. Pero hindi pa man gumagaling ang daddy niya ay bumalik na siya dito sa Pilipinas. Narealize niya kung gaano katanga ang ginawa niya." Namumula na rin ang mga mata ni Ate Kim.

"Galit kami sa kanya, Vera. Galit na galit. Kaya ang sinabi namin sa kanila ay nasa Spain, UAE at kung saan-saan pang bansa. Pinalabas namin that you're traveling the world at hindi nagtatagal sa isang bansa. Mabuti na lang at deactivated din lahat ng social media accounts mo. Hindi namin sinabi kung nasaan ka dahil alam naming pupuntahan ka niya at ganoon nga ang ginawa niya. Sa loob ng isang taon ay nagpabalik-balik siya ng L.A at mga ibang bansa. Kailangan niyang bumalik sa L.A dahil under medication pa ang daddy niya. Nakita namin kung gaano siya nasasaktan kapag bumabalik siya dito galing ibang mga bansa at ni wala siyang kahit na anong balita tungkol sa'yo. Niligaw talaga namin siya palayo sa'yo." Humikbi si Andrea.

"Kada balik niya ay nagmamakaawa siya sa amin na sabihin kung anong address mo." Nahirapan nang magkwento si Andrea dahil sa naiyak na siya ng todo.

"Mahal ka niya, Vera. Kahit na sobrang galit ang naramdaman namin sa kanya ay nakita namin kung paano niya ginusto na makausap ka. Nakita namin siya na walang tulog dahil galing siya dito pagkatapos ay babalik din sa L.A sa araw rin na iyon at pagkatapos ay pupunta nanaman siya sa bansang sinabi namin na nandoon ka na akala mo ay mula dito sa Montreal hanggang Monte Vista lang ang binabyahe niya," pagpapatuloy ni Kyril.

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now