Chapter 31

425 20 0
                                    

"Vera, bakit ang tamlay mo may sakit ka ba?" Hinipo pa ni Dark ang noo ko.

Umiling lang ako.

Ang totoo ay wala akong halos na tulog dahil sa kakaisip ko kay Sage.

Sinundan niya pa 'ko kagabi dito sa apartment pero hindi ko na siya nilabasan.

"Are you sure?" tanong niya. Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata niya.

"I'm okay, Dark." Nginitian ko siya para mapanatag ang loob niya.

Ngumiti naman siya. "So saan mo gusto pumunta?"

"Nothing. I just want to stay here."

Wala akong ganang lumabas ngayon.

Mabigat ang loob ko and I feel so guilty for Dark dahil naaapektuhan siya.

"Okay, so I will cook for us. Bibili lang ako ng mga kakailanganin."

Tumango naman ako kay Dark.

Habang wala siya ay naisipan ko munang pumasok sa kwarto para humiga. Pakiramdam ko kasi ay pagod na pagod ako.

Mentally and emotionally.

Tumunog ang phone ko.

Sage:
You still mad?

Napabuntong hininga ako. Ibinaba ko ang phone ko at tsaka ibinagsak ang sarili ko sa kama.

Leave me alone, Sage. I want to have a peace of mind.

Sa tuwing pumipikit kasi ako ay gumugulo sa isipan ko si Sage.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Dali-dali naman akong bumangon nang maisip ko na malamang ay nakabalik na si Dark.

Pagbukas ko sa pinto ng kwarto ko ay may nagkalat na rose petals papunta sa kusina.

Napakunot ang noo ko.

Dimmed ang light sa may kusina.

Nadatnan ko si Dark na pormal na pormal ang suot at malawak ang ngiti na ngayon ay nakatayo sa sulok.

Sinundo ako ni Dark at inilahad ang kamay niya sakin.

"Ano 'to?" tanong ko.

It's a candle light dinner.

"It's all for you, your highness." Nagbow pa si Dark.

Natawa naman ako.

"Nababaliw ka na," sabi ko sabay umiling-iling.

"Alam mo 'yan. I'm really crazy, crazy over you." Kumindat pa siya sa akin.

Tahimik lang kami habang kumakain. Naiilang naman ako dahil panay ang titig sa'kin ni Dark.

Naconscious tuloy ako dahil baka may muta ako.

"Napakaganda mo." Ngumisi siya. Nag-init naman ang pisngi ko.

"I make you blush, Vera, so I assumed na you like me too."

Natigilan ako sa sinabi niya at nag-iwas ng tingin.

Narinig ko pa ang munting halakhak niya.

Pagkatapos namin kumain ay nagsalin naman siya ng wine.

"For you."

Ngumiti lang ako.

Natigilan ako ng magplay siya ng music.

Oh, God! It is the same song that Sage dedicates for me.

"Dark, can you please change the song?" nag-aalangang tanong ko.

"Why? Don't like it?" Kanta ko pa naman yan para sa'yo."

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now