Chapter 66

430 15 0
                                    

Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Sage. Naisipan namin na maglakad -lakad sa dalampasigan at iniwan muna namin si Zerene kay Jade.

Magkahawak-kamay kaming naglalakad ngayon ni Sage.

"What if ako 'yong umalis 4 years ago? Ako 'yong sumuko? Will you still accept me?" tanong niya.

Tinignan ko naman siya.

"I don't know, maybe yes?" Nagkibit-balikat pa ako. Tumingin siya sa may dagat.

"Bakit? May plano ka bang iwan ako?" Sa tanong ko ay biglang kumirot ang puso ko.

Humarap siya sa akin.

"Hindi pa 'ko nawawala sa tamang pag-iisip para gawin iyon, Vera."

"I love you so much, Sage." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Mahal na mahal din kita, Veranica." Pinagdikit niya pa ang noo namin. "And I will never leave you at kahit anong mangyari ipaglalaban kita, Vera. I'm not scared of losing this battle. I'm scared of losing you, my Queen."

Napangiti ako. "I will never leave you again, Sage. Just trust me , okay?"

Tumango-tango naman si Sage. Niyakap ko siya.

I can't afford to lose this man, not again.

Pagbalik namin sa hotel room ay gising na si Jade at Zerene.

"Mommy, Daddy where have you been?" Tumalon pa siya sa kama nang makita kaming pumasok ng pinto.

"Sa may seashore lang, princess," sagot ni Sage tsaka binuhat si Zerene.

"Tumatakbo 'yong oras, kumain na tayo para maenjoy ko rin naman ang beach!" sabi ni Jade kaya agad na rin kaming pumunta sa restaurant dito sa resort para kumain.

Pagkatapos namin kumain ay wala nang pinalampas na oras si Jade at agad siyang nagyayang maligo.

"Jade, kakatapos lang natin kumain!" naiinis pa na sabi ni Sage.

"Edi kung ayaw mo ay wag kang sumama, Kuya. Napakaarte mo! Let's go, baby." Sumama naman sa kanya si Zerene.

Lumingon pa sa akin si Jade. "Vera, sumunod ka agad, ah? Hayaan mo 'yang napakaarteng lalaking 'yan." Umirap pa siya kay Sage. Natawa naman ako.

"Kahit kelan talaga 'yan si Jade." Nailing na lang si Sage at natawa ako lalo.

Hindi rin nagtagal ay sumunod na ko kina Jade, iniwan ko na si Sage dahil may kinakausap pa siya sa phone.

Napangiti ako habang pinapanood mula dito sa shore sina Jade at Zerene na masayang naliligo.

"Mommy!" Kumaway pa sa akin si Zerene.

May humawak sa bewang ko. Napalingon ako sa nakangiting si Sage. Ibinalik ko ang tingin ko kina Zerene.

"Time flies so fast. Imagine 4 years old na si Zerene," sabi ni Sage. "Sana hindi ka mapagod sa sitwasyon natin, Vera. Mali man sana ay hindi ka sumuko sa paglaban, hindi ka na ulit sumuko." Tumingin ako sa kanya.

"Wala ka nang tiwala sa akin, right?"

Umiling si Sage. "I'm just scared, Vera." Humarap siya sa akin. "Just keep fighting. I still believe that in the end all will gonna be worth fighting for, Vera."

"Ngayon pa lang, Sage, worth it na lahat 'cause I have you and Zerene. Wala na akong pakialam sa ibang bagay basta nanjan kayong dalawa," sabi ko sabay ngiti.

Hinila naman niya ako tsaka hinalikan sa noo.

Maybe this love is forbidden but still I chose to continue fighting 'cause this forbidden love makes me feel so alive.

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now