Chapter 47

409 17 5
                                    

Ilang araw na ang nakakalipas mula nang tawagan ako ni Sage at hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang tuwa sa puso ko.

"Let's go?"

Tumango naman ako kay Dark. Pupunta kami ngayon sa ospital para magpaultra sound. Sobrang excited na ako kasi malalaman na namin ang gender ni Baby.

Inalalayan naman ako ni Dark papunta sa kotse.

"Sobrang excited na 'kong malaman ang gender ng baby natin-I mean ng baby mo, Vera." Pumeke pa ng ngiti si Dark. Nginitan ko na lang din siya.

Tuwang-tuwa naman kami ni Dark nang makita si baby sa monitor.

"Are you ready to know the gender?" masayang tanong ni Doctora Sach.

Excited naman akong tumango.

"Your baby is a girl." Napatili naman ako.

"Oh, My God!" Napayakap pa ko kay Dark dahil sa sobrang saya ko.

Naisipan namin na wag munang sabihin kina Celine dahil naisip ni Dark na magkaroon ng gender reveal party at sumang-ayon naman ako.

"Gusto mo na bang umuwi?" tanong ni Dark nang palabas na kami ng ospital.

Umiling naman ako. "May movie akong gustong mapanuod."

Lumawak naman ang ngiti ni Dark. Pinisil niya pa ang ilong ko. "Your wish is my command."

Malapit lang naman ang mall dito kaya narating din namin agad. Hinawakan pa ni Dark ang kamay ko habang papasok kami ng mall.

"Ano bang movie 'yon?" tanong niya.

"'Yong bagong romantic comedy," parang bata na sabi ko.

Tawa pa kami nang tawa ni Dark habang bumibili kami ng ticket.

"Dark, wag kang makulit!" Saway ko sa kanya dahil kanina niya pa 'ko kinukulit.

Nang paalis na kami sa bilihan ng ticket ay nanlamig ako nang makasalubong namin si Sage at Gaby.

"Hey! Dark and Vera?" si Gaby.

Tinignan ko naman si Sage. Yumuko ako tsaka kinagat ko ang labi ko nang makitang nakangiti siya sa akin.

"Magkakababy na kayo? Congratulations!"

Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi ni Gaby. Nakita ko pang nagtanguan sila Sage at Dark bago sila umalis ni Gaby.

Hahabulin ko sana si Sage para sabihin na siya ang ama ng baby ko pero pinigilan ako ni Dark.

"Hayaan mo na siya, Vera."

Nalungkot naman ako.

Hindi man lang ba niya naisip na posibleng nabuo 'yong ginawa namin noon? Sage naman!

Hindi ako makapagfocus sa pinapanood namin na movie kasi naman natatanaw ko si Sage mula dito. Hindi naman ako makalipat ng pwesto dahil ito 'yong seats na napili namin.

Gustong-gusto ko nang takbuhin si Sage pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

Lumingon pa ulit ako kay Sage magkasalubong ang mga kilay niya. Nagpangiti naman ako. Kahit kunot na kunot ang noo ni Sage ay sobrang gwapo niya pa rin talaga.

"Vera!" saway sakin ni Dark kaya inalis ko ang tingin ko kay Sage at bumaling na lang uli sa screen.

Ilang minuto pa lang ay nangati nanaman akong tignan si Sage kaya lumingon ulit ako sa kanya. Seryosong-seryoso naman ang mukha niya ngayon at parang hindi iniintindi ang sinasabi ni Gaby.

Chasing Chances (Chasing #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon