Chapter 16

488 24 0
                                    

Iyon nga ang nangyari, hindi kami nilubayan ni Sage at seryoso talaga siya na makikithird party siya sa date na ito.

"Ladies and Gentlemen, Welcome to the annual St. Celestine Masquerade Ball." Nagpalakpakan ang mga tao. Naramdaman ko naman na may humawak sa kamay ko na nasa legs ko.

Lumingon ako kay Sage. Nakangisi siya sa'kin. Inirapan ko naman siya.

Hanggang sa matapos ang opening speech ng host ay pinaglalaruan ni Sage ang kamay ko.

"Vera, what do you want? Ikukuha na lang kita ng pagkain sa buffet table," sabi ni Liam matapos magsalita ng host.

"Sama na lang ako doon," sabi ko pero tumanggi si Liam.

"No! You stay here. Dapat ang mga babae pinagsisilbihan." Kumindat pa siya sa'kin tsaka umalis, Tumayo rin si Sage.

"Where are you going?" tanong ko pero hindi niya 'ko sinagot at umalis.

Nang makabalik si Liam ay puro vegetables ang dala niyang pagkain para sa'kin. Napangiwi naman ako pero hindi ko na lang pinakita sa kanya.

"Para hindi masira yung figure mo," sabi ni Liam sabay ngiti. Ngumiti na lang din ako. Nagulat naman ako nang maglapag ng steak at desserts si Sage.

"Hindi ka mageenjoy sa pagkain kung puro gulay ang kakainin mo," sabi pa ni Sage.

"Masisira ang figure ni Vera sa mga pagkain na kinuha mo. Gusto mo ba siyang tumaba?" inis na tanong ni Liam.

"And so? Kahit na tumaba pa siya ay siya pa rin ang pinakasexy sa paningin ko."

Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti.

"Tumigil na nga kayo! Kakainin ko pareho ang mga kinuha niyo," saway ko tsaka nagsimulang kumain.

Lumapit sa'kin si Liam dahil may ibinulong siya sa akin.

"Not so close," sabi ni Sage.

"What is your problem, man?" inis na tanong ni Liam.

"Stop it!" saway ko kay Liam dahil tumayo na si Sage at mukhang susugod na kay Liam.

"Sage, pwede bang pumunta ka muna kina Brixel? Ayaw ko ng gulo," sabi ko kahit na labag sa kalooban ko na paalisin si Sage.

"Fine!" Padabog siyang umalis. Sinundan ko pa siya ng tingin at nakita kong may humarang na babae sa kanya. Pagkatapos ay sabay silang umalis. Nakaramdam naman ako ng inis sa sarili ko.

"Pagpasensyahan mo na si Sage," sabi ko kay Liam.

"Bantay sarado ka, ah?"

"Ganyan lang talaga siya," sagot ko tumango na lang si Liam.

Nagkwentuhan lang kami ni Liam nang matapos kami kumain. May mga sumasayaw na pero pinili na muna naming magkwentuhan at magpahinga dahil kakakain lang naman.

"Hindi ka ba nasasakal kay Sage?" tanong ni Liam.

"Hindi naman."

Tumango tango siya.

Gusto ko sanang sabihin na nagiging protective lang si Sage pero ayaw kong humaba ang usapan namin tungkol kay Sage.

"Can I have this dance?" tanong ni Liam.

"Sure." Ngumiti ako.

Inalalayan naman niya 'ko papuntang dance floor.

Nahagip pa ng mata ko ang matatalim na titig ni Sage.

"Vera, can you please remove your mask? I want to see how beautiful your face is," sabi pa ni Liam.

"Bawal tanggalin, diba? Hangga't hindi pa naaaward ang Queen and King of the ball," sabi ko kay Liam.

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now