Chapter 39

434 18 0
                                    

Three days since Christmas at ito ako't naisipan nang ayusin ang bagahe ko dahil after New Year ay kailangan ko nang lumipad pabalik sa London.

"Vera, remember Brittany?" Biglang sulpot ni Kyril.

"Iyong pinakamatalino sa batch natin?" Patuloy lang ako sa pag-aayos ng mga gamit ko.

"Yup. Imagine magkaka-baby na siya." Napalingon naman ako kay Kyril.

Hindi ko alam pero kapag may naririnig ako about pregnancy thing para akong binubuhusan ng malamig na tubig.

"T-talaga?" nauutal pa na sabi ko tapos inalis ko na ulit kay Kyril ang tingin ko.

"Oo, tapos kinukuha niya tayong ninang. Ang bongga magkakaninang siya na international model!" Tumawa pa si Kyril.

Tinawag naman siya ni Ate Kim kaya dali-dali siyang umalis.

Ano bang nangyayari sa akin?

Habang nag-aayos ako ng gamit ko ay napansin ko 'yong kontrata ko sa agency ko sa London.

"May isang taon pa 'ko."

Napadpad ang paningin ko sa rules and regulations.

Pregnancy is strictly prohibited

Kumalabog naman ang dibdib ko.

"Ano ba 'to! Nakakabaliw na!" Ibignagsak ko ang katawan ko sa kama.

Siguro ay masyado akong nag-aalala na baka mabuntis ako ni Sage.

My God! He doesn't even use some protection.

Hindi naman sa ayaw ko. Hindi lang talaga pwedeng mabuntis ako sa ngayon. Nag-uumpisa pa lang 'yong career ko plus makakasuhan ako ng breach of contract kung malalabag ko ang rules ng agency. And I don't think ready na 'ko maging mommy I'm too young for that. I'm just 21 for Pete sake.

"Hey!"

Napabalikwas ako nang marinig ang boses ni ate Kim.

"Are you alright?"

Tumango naman ako. "Oo, Ate."

Umupo siya sa kama ko.

"Parang balisa ka. May nangyari ba?" nag-aalalang tanong niya. Agad naman akong umiling.

"Wala, Ate. Wala." Nag-iwas ako ng tingin at nagkunwaring inaayos ko ang gamit ko.

"Alam mo ba na hindi ka magaling magsinungaling, Vera?"

Hindi ko pinansin si ate Kim at umastang wala akong narinig.

"Come on, Vera. Spill the tea. May nangyari ba?" Iniharap pa ko ni ate Kim sa kanya.

Huminga naman ako nang malalim. Kung sa iba ay madali akong makakalusot pero kay Ate Kim? Malabo!

"Kasi Ate...Gosh! Paano ko ba sisimulan?" Napasabunot pa 'ko sa sarili ko.

"Makikinig ako, Vera." pageencourage pa ni Ate Kim.

"May nagawa akong kalokohan. I mean kami ni....Sage," nahihiyang sabi ko.

Nanlaki naman ang mga mata ni Ate Kim.

"You mean?"

Tumango naman ako.

"Oh, My Gosh!"

Napalingon ako sa pinto at nandoon ang tatlo na nakikinig sa usapan namin ni Ate.

"Saan niyo ginawa?" pang-uusisa ni Bri.

"Tsaka kelan? Sinasabi ko na nga ba," dagdag pa ni Kyril.

"Can you please shut up first? Hayaan nating magkwento si Vera," saway ni Ate Kim sa kanila.

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now