Chapter 69

533 17 0
                                    

Pinunasan ni Sage ang mga luha ko tsaka hinalikan ang noo ko. "I love you so much, Vera!"

Sinapak ko naman siya.

"Kainis ka! Akala ko iniwan mo na talaga ako." Ngumuso pa 'ko.

Natawa siya tsaka pinisil ang ilong ko.

"Congrats!"

Dinumog ako nila Ate Kim.

"Namiss ka namin sobra, Vera!" masayang sabi ni Andrea.

"Zerene!"

Nagulat si Zerene sa sigaw ni Kyril kaya nagtago siya sa likod ni Sage. Nagtawanan naman kami.

"Congrats, Vera! Ayos ba ang acting ko?" Tumatawa pa si Jade. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Bwiset ka!" singhal ko. Humagalpak naman siya ng tawa.

Nahagip ng mata ko si Briana. Agad ko siyang nilapitan.

"Briana." naiilang na sabi ko. Huminga pa ako nang malalim. "I'm sorry."

Hinawakan niya ang kamay ko. "You don't have to. Sa'yo naman talaga si Sage at mas gusto kong maging masaya siya. Maging masaya kayo."

Nangilid ang mga luha ko. Niyakap ko si Briana.

"Sorry kung nasaktan ka namin, Bri."

Yumakap din siya pabalik.

"Kung saan masaya si Sage ay doon ako. And I guess that was love means."

"Mahal kita, Bri. And I hope we can get back things the way it used to be." Pinunasan ko pa ang tumulong luha mula sa mga mata ko.

Ngumiti si Bri. "Of course, Vera."

Lalong nadagdagan ang tuwa na nararamdaman ng puso ko.

"Vera."

Lumingon ako kay Dark. Iniwan na muna kami ni Bri at lumapit siya kina Ate Kim.

"Dark." Malungkot akong ngumiti sa kanya.

"Are you happy?" Ngumiti siya pero kitang-kita ang lungkot sa mga mata niya.

Tumango ako. "I'm sorry."

Hinawakan niya ang pisngi ko. "Stop saying sorry, Vera. Minahal kita without expecting anything in return. At ngayon na nakikita kong masaya ka ay sobrang saya ko na rin."

Yumakap ako kay Dark.

"Thank you, Dark, for everything. Soon, you will meet the girl you deserve." Niyakap niya rin ako ng mahigpit.

"Just be happy, okay?" Tumango-tango ako
Hinalikan niya pa 'ko sa ulo.

Pagkabitaw niya sa pagkakayakap sakin ay dumerecho siya kay Zerene. Tuwang-tuwa naman si Zerene na makita si Dark.

"Papa!" masayang tawag pa ni Zerene. Ilang beses niyang hinalikan sa ulo si Zerene. Pinunasan ko ang luhang lumandas sa pisngi ko.

Napalingon ako sa umakbay sa akin.

"Papa." Muli nanamang tumulo ang mga luha ko. Niyakap niya ako.

"You deserve to be happy, anak ko. Kahit may Zerene na tayo, you will always be my Princess. I love you so much, Vera and I'm sure your Mama is very happy right now." Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib ni Papa. Hindi maubos-ubos ang mga luha ko.

Luha na dahilan ng sobrang kasiyahan na nararamdaman ng puso ko.

"Papa, Vera. Ready na po 'yong yate na sasakyan natin."

Chasing Chances (Chasing #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora