Chapter 50

475 17 0
                                    

Hindi matigil-tigil ang pagtulo ng mga luha ko habang papalapit ako kay Sage. Nanlalamig pa 'ko at pakiramdam ko ay nanginginig ang buong katawan ko.

Lumingon ako sa paligid ko. Pare-parehong umiiyak sina Ate Kim, Briana, Andrea, Celine, Sazy at Jade, ang mga bridesmaids ko.

Panay din ang punas ni Kyril sa luha niya. Kyril is my maid of honor habang si Alezander naman ang best man.

Nakita ko rin si Gaby. Nginitian ko naman siya.

Napangiti pa ako nang makita ko si Dina, iyong batang babae na kasama sa mga pinapakain ni Kyril tuwing Christmas eve. Siya ang little bride ko.

Napahawak naman ako sa tyan ko nang parang sumipa ang baby ko.

Sobrang saya mo rin ba anak ko?

Narinig ko pa ang pagsinghot ni Papa kaya bumaling ako sa kanya.

"I love you, Papa!"

Lalo naman siyang naiyak. "Bumabawi pa nga lang ako sa'yo ay kinukuha ka na agad sa'akin ni Sage."

Natawa naman ako.

"You will always be the number one man in my life, Papa." Nagpunas ulit ako ng mga luha ko.

Nang makarating kami sa tapat ng lalaking mahal ko ay mahigpit akong niyakap ni Papa.

"I love you so much, anak ko!" Tinuro niya pa ang lalaking mahal ko. "At Ikaw alagaan mo ang anak ko. Alagaan mo siyang mabuti hindi lang dahil asawa ka niya. Alagaan mo siyang mabuti para sa'kin dahil 'yon ang hindi ko nagawa."

Napahagulhol naman ako at tsaka mahigpit na yumakap kay Papa. "Mahal na mahal din kita, Papa ko."

Yumakap din ang lalaking mahal ko kay papa. "Aalagaan ko po siya ng sobra, Papa."

Nang ibigay na sa kanya ni Papa ang mga kamay ko ay para akong nakuryente.

"Siguro naman ay sapat na ang ibinigay kong oras sa'yo." Sinamaan ko naman siya ng tingin pagkatapos ay sinapak ko siya sa dibdib.

"Nakakainis ka!" Tinawanan naman niya ako.

Naiyak naman ako lalo.

Matagal ko itong pinangarap kaya, Lord, kung nananaginip man ako ngayon please wag niyo muna akong gisingin.

Pagkatayo ni Sage ay maingat niya akong inalalayan papunta sa altar.

"Ms. Veranica Angeles and Mr. Sage Wainwright," pagsisimula ni father.

"Stop this marriage!"

Hindi pa man nagsisimula ay may tumutol na agad. Lahat kami ay napalingon sa may pintuan.

May isang matangkad na lalaki na nakatayo sa tapat ng pintuan.

"Dad?" sabi ni Sage.

Kinabahan naman ako.

Nang makalapit ang daddy ni Sage ay masasabi mo agad na siya nga ang ama ni Sage dahil magkamukhang magkamukha silang dalawa.

"Dad, what are you doing?" galit na tanong ni Sage. Kumuyom pa ang mga kamao niya.

"Philip, umalis ka na kung hindi mo kayang suportahan ang anak mo!" galit rin na sabi ng mommy ni Sage.

"Wag mong sirain ang kasal ng anak ko, Philip!" Maging si Papa ay matatalim na rin ang titig sa daddy ni Sage.

Ganito na lang ba niya ako kaayaw para sa anak niya?

"This marriage shouldn't be happening!" seryosong sabi niya.

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now