Chapter 63

407 13 0
                                    

Kinabukasan ay nahihiya akong bumaba kaya alas onse na ay nakakulong pa rin ako dito sa kwarto. Hindi kasi mawala-wala sa isip ko 'yong pagkikiss namin ni Sage. Paano kung nakita pala kami ni Briana?

Kumalam na ang sikmura ko at wala na akong choice kung hindi bumaba.

Nagtama pa ang mga mata namin ni Sage nang makababa ako ng hagdan. Agad akong nag-iwas ng tingin at dumerecho sa kusina. Nadatnan ko naman si Bri na nagluluto. Lumingon siya sa akin at nag-iwas naman ako ng tingin.

I feel so guilty.

"Gising ka na pala," matabang na sabi niya. Hindi ko siya pinansin at lumabas na 'ko sa kusina.

"Kumusta ang pakiramdam mo?"

Hindi ko pinansin si Sage.

"Baby, kumain ka na?" Tumango naman sa akin si Zerene na abala ngayon sa pagkukulay sa coloring book niya.

"Vera, I'm asking you," matigas na sabi ni Sage.

"Okay na 'ko," simpleng sagot ko. Pero ang totoo ay bumalik ulit ang lagnat ko kagabi.

Feeling ko ay nilagnat ako dahil sa halik ni Sage.

"Why are you smiling, Vera?"

Nag-angat ako ng tingin kay Sage. Derecho siyang nakatingin sa akin. Nag-init ang mga pisngi ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

Narinig ko pa ang mahinang tawa niya.

Naiilang ako habang kumakain kami. Nasa tapat ko si Sage at ramdam ko na natingin siya sakin.

"Mommy and Daddy kissed each other."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Zerene.

"What?" Napatayo rin si Briana. "Anong sinasabi ni Zerene?" madiin pa na tanong niya.

Napakagat ako sa labi ko.

"Wala 'yon, Bri. Ginagaya niya lang iyong line doon sa cartoon na pinanuod niya."

Tumingin pa ako kay Sage pero parang wala lang sa kanya kung malaman man ni Briana.

"Hindi kayo nagkiss?" inis na tanong niya kay Sage. Simpleng iling lang ang ginawa ni Sage na derechong nakatingin sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin.

Pagkatapos namin kumain ay agad kaming umakyat ni Zerene sa kwarto para paliguan siya hangga't maaari ay gusto kong umiwas kay Sage.

Katatapos ko lang paliguan si Zerene at nagulat ako nang makita si Sage na nakaupo sa kama.

"Sage, do you need anything?" naiilang na tanong ko.

Umiling naman siya. "I just want to play with my daughter."

"Ano kasi, Sage, inaantok daw si Zerene. Baby, you are sleepy right?"

Tumango naman si Zerene.

"Okay lang, pwede ko naman siyang tabihan habang natutulog siya." Kumalabog naman ang dibdib ko.

"Ano kasi, Sage-"

Pinutol ni Sage ang sinasabi ko.

"May problema ba, Vera? Hindi ko na ba pwedeng tabihan ang anak ko?"

Umiling naman ako tsaka pinagpatuloy na lang ang pagsusuklay kay Zerene.

Wow lang, Sage! Pagkatapos mo akong halikan aasta ka lang na parang wala lang.

Naiinis ako dahil kay Sage. Mukhang wala lang iyong halik na 'yon sa kanya samantalang sa akin ay hindi mawala-wala sa isip ko.

Nang matuyo ang buhok ni Zerene ay natulog na siya. Tumabi naman sa kanya si Sage at pumikit rin. Habang ako ay nakaupo lang sa kabilang gilid ni Zerene at pinagmamasdan sila ni Sage.

Chasing Chances (Chasing #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon