Chapter 55

388 12 3
                                    

Apat na araw ang nakakalipas mula nang magpunta si Jade dito at humingi ng DNA sample ko.

Kasalukuyan akong gumagawa ng sandwich para sa meryenda namin. Si Sage ay nasa sala kasama si  Zerene.

"Merienda is ready!" masayang sabi ko tsaka inilapag ang sandwich sa mini table. Hinila naman ako ni Sage kaya napaupo ako sa hita niya.

"Napakabango naman ng misis ko." Ibinaon niya pa ang mukha niya sa leeg ko.

"Nakakainis ka, Sage. Pawisan kaya ako!" pagmamaktol ko pa.

"Pero mabango ka pa din naman, Vera."

Napailing na lang ako.

"I have a good news for you, love."

Umalis ako mula sa pagkakaupo sa hita ni Sage tsaka tumabi sa kanya.

"Ano 'yon?" tanong ko.

"Babalik na tayo sa Pilipinas sa isang araw." Itinaas niya pa ang dalawang plane ticket.

"For real?"

Tumango naman si Sage tsaka hinawakan ang isang kamay ko. "At sa Montreal tayo dederecho, Vera."

"Oh, My God Sage!" Napayakap pa 'ko kay Sage dahil sa sobrang tuwa. Miss na miss ko na sila Ate Kim.

"Sa Montreal muna tayo ng isang linggo kasi balak ko munang pabinyagan natin si Zerene pagkatapos ay sasabihin natin sa kanila na babalik na tayo dito sa London," seryosong sabi ni Sage.

"Kailangan ba talaga na magsinungaling tayo sa kanila? Diba alam naman ni Zander?"

"Magtiwala ka lang sa'kin, Vera, ito ang mas makakabuti sa ngayon at si Zander, he won't tell anyone and I trust him."

Tumango pa 'ko kay Sage. Hinila naman niya ako tsaka hinalikan sa sintido.

Hindi ako makapaniwala na aabot kami sa ganitong punto ni Sage na kailangan naming magtago para sa pagmamahalan namin. Kailangan namin magtago para sa ikatatahimik namin at kailangan namin magtago kahit pa sa mga malalapit na tao sa buhay namin.

Trust no one.

Si Jade mismo na kapatid ni Sage ay tinalikuran kami dahil sa maling pagmamahalan namin.

Wala naman talagang mali sa pagmamahal....maling tao lang at mali si Sage para sa akin dahil magkapatid kami.

"Ang dungis mo naman kumain, Mommy!" sabi ni Sage sabay halakhak tsaka pinunasan ang kalat na mayonnaise sa gilid ng labi ko. Nagulat pa ko nang halikan ni Sage ang mga labi ko.

Hindi lang siya basta smack.

It was one passionate kiss that full of so much love and respect.

"I will never get tired loving you, Vera. I will always here for you and for our daughter." Hinalikan niya pa ang noo ko.

"Mahal na mahal din kita, Sage."

Nagmovie marathon lang kami ni Sage kagaya ng nakasanayan habang ang little princess namin ay mahimbing na natutulog sa kuna niya.

Nakasandal ako sa dibdib ni Sage.

"Vera, we will escape after our one week stay in Montreal. We will escape from all of this bullshit and it's only the three of us. Papalakihin natin si Zerene na malayo sa lahat ng gulong ito."

Nanikip ang dibdib ko.

"Sage, I don't want us...to be...found." Nagcrack ang boses ko.

"I won't let that happen, Vera. They won't find us. Trust me." Hinalikan niya pa ang ulo ko.

Chasing Chances (Chasing #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon