Chapter 34

424 21 0
                                    

Tanghali na 'ko nagising kinabukasan dahil nagkaroon pa ng inuman dito sa bahay pagkagaling namin sa Monte Vista. Pinipilit pa nga ni Sage na doon na lang kami sa hotel nila matulog pero hindi ako pumayag dahil sobrang namimiss ko na ang kama ko.

"Hey!" bati sa'kin ni Sazy pagbaba ko. Nasa sala sila ni Kyril at nagkukwentuhan.

"How's your sleep in our humble home, Sazy?" tanong ko.

"Very fine."

Tumango naman ako tsaka pumunta sa kitchen.

Nadatnan ko naman si Ate Kim na nagluluto habang nakaupo naman sila Bri at Andrea na seryosong nag-uusap.

"Hi, girls!" bati ko.

Agad kong binuksan ang fridge at kumuha ng fresh milk.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Vera," sabi ni ate Kim.

"Hindi naman basta-basta mababago ang nakasanayan, Ate." Sumalampak ako sa tabi ni Andrea.

"Mukhang seryoso kayo, ah?"

Nagkatinginan pa ang dalawa tsaka bumaling sa'kin.

"Hindi naman," sabi ni Andrea tsaka nag-iwas ng tingin.

"Grabe! Porket ba tatlong taon akong nawala hindi na ako kasali sa mga secrets niyo?" Ngumuso ako.

Nagkatinginan naman kami ni Ate Kim at napailing lang siya.

"Grabe! Nagtatampo agad?"

Hindi ko naman pinansin si Briana.

Tumayo ako tsaka lumapit kay Ate Kim.

"Namiss ko luto mo, Ate."

Tinawag pa 'ko ni Andrea pero hindi ko sila pinansin.

"Fine, Vera! It's about your friend." Lumingon ako kay Andrea.

"Sazy?" tanong ko.

"We're not cool," mahinang sabi ni Andrea. "I mean siya kasi." dagdag niya pa.

"Nahihiya lang 'yan, Andrea, kasi bago niya pa lang naman kayong nakikilala. Mabait 'yan si Sazy," pagtatanggol ko pa.

"Pero nakikipag-usap naman siya sa'kin," sabi pa ni Bri.

"Sa'kin din," pagsingit naman ni Ate Kim.

"And It's obvious okay sa kanya si Kyril." Ngumuso pa si Bri sa sala kung nasaan ang dalawa.

"And I'm the only exception."

Tumabi uli ako kay Andrea dahil baka mamaya marinig ni Sazy na siya ang pinag-uusapan namin at maoffend pa siya.

"Try to talk to her baka naiilang lang siya sa'yo."

"Ilang? Hindi ako nakakailang na tao, Vera and alam kong alam mo kung gaano ako kafriendly," sabi ni Andrea sabay nguso.

Totoo, lahat sila dito ay friendly and si Andrea? Siya iyong pinakafriendly sa amin, madami kaming nakikilala dahil sa kanya.

"Diba magpinsan sila ni Dark?" tanong ni Andrea. Tumango naman ako.

"Pero hindi sila magpinsan ni Stephen?" tanong niya ulit.

Inabutan ako ni Ate Kim ng loaf bread.

"Yup. Magpinsan sila in mother side," sagotko.

Pansin ko na parang nagiging uneasy si Andrea.

"May problema ba?" tanong ko.

"Iyon nga rin ang tanong ko kanina pa, Vera, pero ayaw naman niya magsalita," inis sabi ni Bri.

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now