Chapter 62

390 13 0
                                    

Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko. Mabuti na lang ay nakumbinsi ko si Zerene na doon muna matulog sa kwarto nila Sage.

Ibinalot ko ang kumot sa akin tsaka bumaba para kumuha ng warm water  at towel para mapunasan ko ang sarili ko.

Pagbaba ko ng hagdan ay nagtama ang mga paningin namin ni Sage, kapapasok niya lang galing sa labas. Lumapit siya sa akin tapos ay idinikit ang palad niya sa noo ko.

"Sobrang init mo, Vera."

Nilampasan ko lang siya tsaka pumunta na sa kusina.

Nagwawala na ang puso ko sa tuwing nanjan si Sage, paano pa kaya kapag hinahawakan niya 'ko?

Kumuha ako ng maligamgam na tubig at towel at bigla namang inagaw sa akin ni Sage ang dala kong maliit na palanggana.

"Kaya ko, S-Sage," nauutal na sabi ko.

"Ako na, Vera!" madiin na sabi niya.

"Ako na lang-"

"Ako na nga sabi, Veranica! Wag na matigas ang ulo," inis na sabi niya. Hindi na 'ko nakipagtalo. Inalalayan niya pa ako habang paakyat kami ng hagdan.

"You can ask for help. Pwede kang humingi ng tulong sa akin," sabi niya nang makapasok kami sa kwarto.

Akala ko ay lalabas na si Sage pero nagulat ako nang bigla niyang pigain ang towel at ipunas sa may noo ko.

"Sage, ako na." Iniwas ko ang mukha ko. Matalim niya akong tinitigan.

Ang traydor kong puso ay heto nanaman at nagwawala. Pakiramdam ko ay mas lalong tumataas ang lagnat ko dahil kay Sage.

Pilit kong tinatanggal ang kamay ni Sage na ngayon ay nasa may pisngi ko na. Napasinghap ako nang hawakan niya ang isang kamay ko. Sobrang lapit na ng mukha ni Sage sa mukha ko.

"Bakit ang hirap mong kalimutan, Vera?" Sumilay ang lungkot sa mga mata niya pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto.

Napahawak ako sa dibdib kong sobrang lakas ng tibok.

'Di ako nakatulog ng maayos dahil sa kaiisip kay Sage.

Hindi niya pa rin ba ako nakakalimutan gaya ng hindi ko paglimot sa kanya?

Napapangiti ako kapag naiisip ko 'yon pero binabagabag ako ng konsensya ko dahil hindi dapat ako nakakaramdam ng tuwa, magkapatid kami ni Sage at isa pa respeto na rin sa kung anong meron sila ni Briana.

Mas lalong sumama ang pakiramdam ko pagkagising ko. Hindi na 'ko makabangon dahil sa parang ang bigat ng katawan ko.

May kumatok sa pintuan.

"Bukas 'yan," napapaos na sabi ko.

Pumasok si Sage.

"Vera, isasama sana namin si Zerene sa bayan kasi bibili kami ng groceries natin," seryosong sabi ni Sage.

"Sige. Ingat kayo." Ngumiti pa ako sa kanya.

"Namumutla ka, Vera." Lumapit pa sa akin si Sage tsaka inilagay ang kamay niya sa noo ko. "Sobrang init mo."

Lumabas si Sage saglit pero bumalik din agad. Iniabot niya sa akin ang thermometer na dala niya.

"Sage, nanjan na si Mamang Bangkero!" sigaw pa ni Bri.

Kumunot ang noo ni Sage nang kinuha niya ang thermometer sa akin.

"Shit! Ang taas ng lagnat mo. Gusto mo bang dalhin na kita sa ospital sa bayan?"

Umiling ako. "Pahinga lang 'to tapos ay okay na."

"Are you sure?" nag-aalalang tanong ni Sage.

Chasing Chances (Chasing #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon