Chapter 23

482 26 0
                                    

Bago dumating ang pananghalian ay umalis na kami sa Celestina. Inihatid muna ni Sage at Jade sila Ate Kim sa bahay at hinayaan muna nila 'kong makaligo pagkatapos ay isinama nila ako sa mansyon nila para doon na daw kumain.

"Sir, kagabi pa po may tumatawag dito sa telepono, importante daw ho," bungad ng kasambahay nila Sage pagkapasok pa lang namin.

Kumunot ang noo ni Sage. "Saglit lang, love."

Tumango naman ako.

"Vera, shower muna ko ha," pagpaalam ni Jade.

"Go ahead," sabi ko sabay ngiti.

Nang mainip ako sa pag-aantay kay Sage ay naisipan kong pumunta sa garden nila.

"So kumusta ang camping niyo? Enjoy ba?"

Hindi ako nag-abalang tignan si Gaby.

Masyadong masaya ang araw ko at ayokong masira kaya hindi ko na lang siya papansinin.

"Sabagay, last chance mo na maging masaya kasama si Sage."

Naglakad na lang ako palayo sa kanya at tinignan na lang ang mga bulaklak.

"I'm talking to you!"

Nagulat ako nang hilahin ako ni Gaby paharap sa kanya.

"What the hell?" singhal ko.

"Feeling mo siguro nakajackpot ka, no? Itigil mo ang ilusyon mo, Vera. Wake up! You're not in a cliché movie na kahit mahirap ka ay mamahalin ka ng isang mayaman na katulad ni Sage. Ilusyunada!" Kumulo ang dugo ko.

Talagang sinusubukan ako ng desperadang babaeng 'to.

"Bakit, Gaby? Gaano ka ba kayaman? I heard kasi anak ka naman daw sa pagkadalaga at sabit ka sa mga Wainwright."

Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Gaby sa galit.

"You bitch!"

"Aray!" daing ko nang itulak niya ako at natumba ako sa mga halaman.

"Gabriela!" galit na sigaw ni Sage at dali-dali akong dinaluhan.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Sage. Tumango naman ako.

"Gabriela, you have no right to hurt her!" Nag-aalab sa galit ang mga mata ni Sage.

"Sage, siya ang nauna ininsulto niya 'ko," naiiyak na sabi ni Gaby.

"I don't hit woman but I swear, Gaby, touch her again. Makakatikim ka sa'kin. Now leave my house!" matigas na sabi ni Sage.

"You can't do this to me, Sage. We are family. Daddy will be mad, Sage, you know that!"

"I don't care, Gabriela. I don't fucking care, so now leave at wag na wag ka na magpapakita sakin."

"No, Sage!" sigaw ni Gaby.

"Umalis ka na, Gab, please! Wag mo nang palakihin ang gulo. Hindi nga namin alam kung bakit ka pa nandito," mahinahon na sabi ni Jade.

"Alam mo kung bakit nandito ako, Jade, at siguro kailangan na rin malaman ni Sage."

Nanlaki ang mata ni Jade.

"Come on, Gaby. I can handle it," sabi ni Jade na halatang kinakabahan.

"Anong kailangan kong malaman?"

"Gaby, please ako na ang bahala dito," si Jade.

"No, Jade! Ang tagal mo na nandito pero hindi mo masabi sabi sa kanya."

"What is it?"

Halos mapatalon ako sa gulat sa sigaw ni Sage.

"Your dad is sick, Sage."

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now