Chapter 41

413 20 0
                                    

Isang linggo ang nakakalipas mula nang bumalik ako dito sa London.

"Vera, kakain na."

Rinig ko pang tawag ni Celine pero nagpanggap akong tulog.

Hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong tanggapin na ang mommy ni Sage ang kabit ni Papa.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sa isang iglap ay maglalaho na parang bula ang mga pangarap namin ni Sage kasama ang isa't-isa.

Pinunasan ko ang mga luhang tumulo mula sa mga mata ko.

Ako ang nagdusa at hanggang ngayon ako pa rin ang nagdudusa.

"Vera, lumabas ka na jan! nag-aalala na ko sa'yo. Kailangan na rin nating magreport sa agency," malungkot na sabi ni Celine.

Pagkabalik ko dito ay hindi pa 'ko nakakapunta sa agency at sinabi ko na lang na hindi maganda ang pakiramdam ko.

Ang totoo ay hindi talaga maganda ang pakiramdam ko at gusto ko lang na humiga magdamag.

Kung sana ay napapawi lang ang sakit ng ganun ganun lang.

At kung sana ay kayang pawiin ni Sage ang sakit.

Kinabukasan, nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Siguro ay dahil sa gutom kaya naisipan ko na lang magluto. Masyadong maaga pa at tulog pa si Celine.

"Mabuti naman at naisipan mo ring lumabas sa lungga mo," sabi ni Celine nang makita akong naghahanda ng pagkain.

"Kailangan, e. Magrereport na rin ako mamaya sa agency."

"Good!" masayang sabi niya.

Pagkatapos namin kumain ay naghanda na rin ako para sa pagpunta sa Agency.

Pagdating sa agency ay agad na idiniscuss sa'kin ang mga project na gagawin ko hanggang sa susunod na buwan. Mayroon agad na limang magazine na ako ang cover.

Natuwa naman ako dahil madadivert ang atensyon ko at maiiwasan ko ang pag-iisip kay Sage.

Masayang-masaya si Celine dahil sa dami ng project namin sa loob lang ng dalawang buwan.

"Ang narinig ko pa ay by the end of February ay magkakaroon ka ng first billboard dito sa London!"

"Talaga?" Pinipilit ko na ipakita na masaya ako.

"Iyon ang narinig ko sa office kanina, so it's time to celebrate." About tenga pa ang ngiti ni Celine.

Nagustuhan ko rin ang ideya ni Celine na pumunta sa isang KTV club.

Pagdating sa loob ng KTV club ay nagpaalam muna si Celine na may tatawagan lang muna siya bago kami kumuha ng room.

"Sinong tinawagan mo?" tanong ko.

"Importanteng tao lang." Ngumiti pa siya sa'kin.

Umorder agad siya ng pagkarami raming alak. Magpapakamatay na ata itong si Celine pero hindi ko rin maikakaila na gusto ko ding magpakalunod sa alak. Baka sakaling makalimot ako kahit ngayon lang.

"O, cheers ulit, Vera!" Humalakhak pa si Celine na ngayon ay tinatamaan na ng alcohol.

"Ang saya kaya mabuhay! Diba?" Nagsisigaw pa siya sa loob nitong private KTV room. Umiling-iling na lang ako sa kakulitan nitong si Celine.

Hindi ko na mabilang kung ilang bote na ang nainom namin ni Celine. Dahil nang maubos ang mga naunang order ay umorder ulit siya.

"Ano na, Vera? Ang hina mo naman ata ngayon! ani Celine.

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now