Chapter 37

429 19 0
                                    

Hinintay ko munang bumalik sa normal ang kulay ng mukha ko bago naisipang bumalik sa likod kung saan ginanap ang party.

Nagkatinginan pa kami ni Sage pero agad akong umiwas ng tingin.

"Okay, it's time for exchange gifts!" masayang sabi ni Ate Kim.

Nasa London palang kami ni Sage ay ginawa na ang pagbubunutan kung sino ang reregaluhan ng bawat isa at ang nabunot ko ay si Andrea.

"Oh, My God! Thank you, Vera!" Nagtatalon pa si Andrea tsaka ako niyakap nang makita niya kung anong regalo ko.

Bag ang regalo ko na nakita ko sa post niya sa instagram account niya. Gustong gusto niya 'yong bag kaya lang ay sa international lang available at wala pa dito. 

Sinadya ko pa talaga sa France dahil doon mo lang mabibili.

Si Sage naman ang nakabunot sa'kin at isang white gold necklace with sun na pendant ang regalo niya.

"Bakit sun?" nagtatakang tanong ko.

"'Cause you lights up my dark world, my sunshine," seryosong sabi niya.

Napangiti naman ako.

December 24 at kaming dalawa lang ni Kyril ang naiwan dito sa bahay.

Nagkatanginan naman kami.

"Our tradition?" tanong niya sabay ngiti.

"Game!" masayang sagot ko.

Agad kaming umalis para mamili ng mga kakailanganin sa pagluluto.

Noong hindi pa 'ko nagpupunta sa London ay tradisyun na namin na sa Montreal Flower Fields namin dinadaos ang noche buena naming dalawa, maganda kasi roon dahil tuwing 24 ay punong puno ng makukulay na ilaw ang buong fields pagkatapos ay may mga naglalakasan ding Christmas songs.

Damang-dama ang kapaskuhan sa flower fields at ang talagang ipinupunta namin sa flower fields ay iyong mga street children na pinapakain at binibigyan namin ng regalo ni Kyril tuwing Christmas eve.

Isinasama naman kami nila Ate Kim pero tumatanggi kami ni Kyril hanggang sa ganito na ang nakasanayan naming gawin.

Nagtaka pa nga ako kung bakit kaunti lang ang binili namin, ni hindi rin kami bumili ng mga regalo.

"Konti na lang ba ang mga bata doon?" tanong ko habang ipinapack ang mga pagkain.

"Anong konti ka jan? Mas dumami pa nga lalo, e."

"E, bakit ang konti-" Naputol ang sinasabi ko sa pagsulpot ni Sage at Jade na may mga dalang maraming regalo at pagkain.

"Okay na ba 'to?" Malawak ang ngiti ni Jade.

Agad lumapit sa'kin si Sage para halikan ang noo ko.

"Kasi, Vera, noong wala ka ang magkapatid na 'yan ang kasama ko sa flower fields," sabi ni Kyril sabay ngiti.

"Talaga?" tanong ko.

"Oo nga! Kaya kayo mag-asikaso na kayo dahil excited na 'ko." Pinagtutulak pa ako ni Jade palabas ng kusina.

Excited naman akong nag-asikaso. Feeling ko ay ngayon ang pinakamabilis na pag-aasikasong nagawa ko.

Naayos na nila Sage at Jade sa kotse ni Sage ang mga dadalhin namin kaya naman nang bumaba na si Kyril ay umalis na rin kami.

"Flower fields here we come!" Parang bata pa si Jade. Napailing na lang kami ni Sage.

Pagpasok palang namin sa flower fields ay agad na kaming sinalubong ng mga bata na talagang nag-iintay sa amin.

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now