Chapter 45

436 16 1
                                    

Nanghihina akong napaupo sa gilid. Hindi ako matigil-tigil sa pag-iyak. Ang lalaking noon ay masayang-masaya kapag nakikita ako ay tila wala nang pakialam sa akin ngayon.

"Vera, bakit?" nag-aalalang tanong ni Celine na ngayon ay kalalabas lang ng mall.

"Vera, what happened?" Magkasalubong ang mga kilay ni Dark.

"Ang sakit, ang sakit sakit pero kasalanan ko naman e."

Umupo sa harap ko si Dark. "Anong nangyari, baby? Come on tell me."

"Nagkita kami ni Sage."

Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Dark.

"Nagkita kayo?" tanong ni Celine.

"Anong ginawa niya sa'yo, Vera?" galit na tanong ni Dark.

Napahagulhol naman ako. Ano bang ineexpect ko pagkatapos ko siyang ipagtabuyan? Na yayakapin niya ako with his arms wide open? Ang tanga ko lang talaga!

"Gusto ko sanang magkaayos kami, gusto ko na malaman niya na magkakababy na kami pero nag-uumpisa pa lang ako magsalita ay umalis na siya."
Lalong lumakas ang iyak ko. Niyakap naman ako ni Dark at hinalikan sa ulo.

"I'm gonna kill that man. Wag na wag ko lang siyang makikita," madiin na sabi ni Dark.

"Ako naman ang may kasalanan, Dark. Pinagtabuyan ko siya. Hindi man lang ako nagdalawang isip. Nagpadalos-dalos ako."

Lalong humigpit ang yakap sa akin ni Dark.

"Kung kaya ko lang na pawiin ang sakit na nararamdaman mo, Vera," malungkot na sabi ni Dark.

Pero wala e, si Sage lang ang may kakayahan na pawiin ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kung sana ay nanindigan ako noon edi sana ay masaya kami ngayon. If I could only bring back the time, Sage.

Tatlong araw mula nang magkita kami ni Sage. Heto ako nakaharap sa laptop ko at iniistalk ang social media accounts ni Gaby. Ang dami ko pang nabasang articles tungkol sa kanilang dalawa at ang dami rin nilang pictures together na nakuhaan ng mga paparazzi.

"Tama na nga 'yan, Vera!" Inagaw ni Celine ang laptop ko. "Don't torture yourself!" inis na sabi niya pa sa akin.

"Celine, gusto kong magkabalikan kami ni Sage. Gusto kong lumaki ang baby ko na may buong pamilya. Sobra akong nagsisisi." Pinunasan ko ang lumandas na luha sa mga mata ko.

Umupo sa tabi ko si Celine. Hinawakan niya pa ang kamay ko.

"Kung kayo ang para sa isa't-isa ay magkakaroon ng way para maging kayo ulit."

"Kung hindi si Sage, parang ayoko na magmahal ulit, Celine. Kung hindi si Sage, hindi ko alam kung paano magiging masaya ulit."

Napako ang mga mata ko sa lalaking nasa pinto.

May malaking bouquet ng bulaklak na dala-dala si Dark. Tumayo si Celine at iniwan kami ni Dark.

"For you," malungkot na sabi niya.

Nag-aalangan naman akong tinanggap 'yong bouquet.

"Ang swerte ni Sage sa'yo, Vera." Pinisil niya pa ang ilong ko.

"Mas maswerte ako sa kanya, Dark, kaso sinayang ko 'yong pagmamahal niya."

"Sana sa akin ka na lang, ako na lang sana." Nakita ko ang sakit sa mga mata niya.

Naluha ako. Pinunasan naman niya 'yong mga luha ko.

"Don't worry tanggap ko naman, Vera, na kailanman hindi ka mapapasa'kin." Malungkot siyang ngumiti.

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now