Chapter 61

405 15 1
                                    

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi pero ang aga ko pa rin nagising ngayon.

Iniwan ko muna ang natutulog na si Zerene dahil nauuhaw ako. Pagbaba ko ay nadatnan ko sa kusina si Sage na nagluluto.

"Good morning," nag-aalangan na bati ko. Lumingon siya sa'kin tsaka tumango.

Nakalimutan ko na ang totoong pakay ko kaya ako bumaba dahil nawili ako sa panunuod kay Sage na nagluluto.

"Gusto ba ni Zerene ng pancake?"

Nag-iwas agad ako ng tingin nang lumingon sa akin si Sage.

"Ah, pancakes? Oo, favorite niya iyan," sabi ko tsaka pumunta sa ref para uminom ng tubig.

Lalabas na sana ako nang bigla akong tawagin ni Sage. Nilingon ko naman siya.

"Can you help me here?"

Tumango naman ako kay Sage. Kinagat ko pa ang ibabang labi ko para mapigilan ang sarili ko sa pagngiti.

Ako ang naghanda ng mga niluto ni Sage sa mesa habang tinutuloy niya pa ang pagluluto niya.

"Tell me something about my daughter. Iyong mga hilig niya," sabi ni Sage nang hindi lumilingon sa akin.

"Si Zerene, she is very sweet and jolly. Masyado siyang makulit daig pa ang lalaki," paninimula ko.

"She loves playing dolls and watching cartoons-"

Pinutol ni Sage ang sinasabi ko tsaka humarap sa'kin.

"Pinapasakit niya ba ang ulo mo?" Derecho siyang tumitig sa akin. Biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko.

"Hi-hindi. Zerene is a good girl," nauutal na sabi ko. Ngumisi si Sage.

Hindi ko alam kung bakit nagwawala 'tong lintik na puso ko.

"Akala ko pinapasakit niya ang ulo ng mommy niya." Ngumiti si Sage kaya napangiti rin ako.

"Ano 'to reunited?"

Napalingon ako kay Bri na kapapasok lang ng kusina.

Umiling ako. "Hindi 'to gaya ng iniisip mo, Bri."

"Kinakausap ko lang siya dahil kay Zerene, wag kang selosa jan." Pinisil niya pa ang ilong ni Bri. Umiwas naman ako ng tingin.

Masakit isipin na dati ako ang nasa kinalalagyan ni Briana.

"Sige balik muna ko kay Zerene."

Hindi ko na sila hinintay sumagot at nagmadali akong lumabas ng kusina.

Ang sakit naman marinig na kinakausap niya lang ako dahil kay Zerene pero 'yon naman talaga dapat, diba?

Nakaupo lang ako sa tabi ni Zerene. Hanggang ngayon kasi ay mahimbing pa ang tulog niya.

"Mommy, are you sad?" Kinukusot niya pa ang mata niya.

Umiling ako. "No, baby."

May kumatok at iniluwa ng pinto si Sage.

"Good morning, Zerene!" sabi ni Sage sabay ngiti.

"Vera, kakain na."

"Sige, Sage, susunod kami ni Zerene."

Tumango si Sage tsaka lumabas.

"Mommy, mabait naman pala siya. Ang dami niyang binigay na toys sa akin." Ngumiti pa si Zerene.

"Yes, baby. Daddy Sage is nice so don't be rude to him okay?"

"But I don't want to call him Daddy." Ngumuso pa si Zerene.

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now