Chapter 44

419 15 3
                                    

Lumipas ang dalawang buwan mula noong inamin ko sa CEO ng agency ko na buntis ako at mula noong nakita ko si Gaby at Sage.

Simula noon ay parati na lang akong natutula at maya-maya lang ay tutulo na ang mga luha ko.

Naayos din ang problema ko sa agency. Ang sabi ni Celine ay nagpahiram daw si Madam V ng pera nang malaman niya na buntis ako at pinagbabayad ako ng ganoong kalaking pera ng agency ko dati.

Nahiya ako pero wala na akong nagawa dahil si Madam V ang mismong nagbayad sa CEO ng dati kong agency. Gusto kong makausap si Madam V kaya lang ay pinipigilan ako ni Celine dahil disappointed daw si Madam at siya na lang ang magpapasalamat.

Usap-usapan pa 'ko sa school noong graduation namin kamakailan lang at maging sa mga article ay bunyag na bunyag na ang pagdadalang tao ko pero wala na akong pakialam. Ang iniisip ko lang ngayon ay ang baby ko.

"Vera, kumain ka na."

Hinatidan ako ng pagkain ni Dark dito sa kwarto ko dahil nahihilo ako kanina pang umaga at ayokong bumangon.

Inalalayan niya pa ko paupo.

"Bukas na 'yong sunod na check up mo, Vera."

Tumango naman ako. "Oo."

Ngumiti naman si Dark. Nagpumilit pa siya na susubuan niya na lang ako. Hindi ako pumayag kaya lang ay ayaw niyang magpatalo kaya hinayaan ko na lang siya.

"Vera," seryosong sabi ni Dark.

"Bakit?" Kumunot ang noo ko.

Bumuntong-hininga pa siya. "Mahal kita."

Nag-iwas ako ng tingin. Mula noong magkita ulit kami dito ay ngayon lang siya nagsabi sa'kin ng nararamdaman niya.

"Mahal pa rin kita," dagdag niya pa.

"Dark kasi-" Naputol ang sinasabi ko sa biglang pagsulpot ni Celine.

"Dark, halika," tawag niya. Lumapit sa kanya si Dark at sabay silang umalis.

Bumalik rin agad si Celine sa kwarto ko. "Vera, nasa labas si Sazy."

Agad din na lumabas ng kwarto si Celine. Inayos ko muna ang sarili ko bago puntahan si Sazy.

Ngunit nalaglag ang mga panga ko nang hindi si Sazy ang madatnan ko na nakaupo sa sofa kung hindi ang magaling kong ama.

Binalot nanaman ang puso ko ng galit at poot. Kinuyom ko ang mga kamao ko.

"Veranica." Agad siyang tumayo nang makita ako.

"Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong ko. "Umalis ka na!"

Napahawak naman ako sa tyan ko dahil kumirot ito.

"Buntis ka, anak ko?"

Doon niya lang ata napansin ang tyan ko.

"Wag na wag mo akong matawag tawag na anak at umalis ka na dahil ayaw kitang makita!" May luha na nagbabadyang tumulo sa mga mata ko at pinipigilan ko lang.

"Veranica, nakikiusap ako sa'yo. Pakinggan mo 'ko kahit wag mo akong patawarin basta pakinggan mo ko."

"Sige, pero pagkatapos nito ay hindi ka na magpapakita sakin kahit kailan," malamig na sabi ko.

Nabuhayan ang mga mata niya."Kung 'yan ang gusto mo, Veranica, pero ngayon sapat na iyong pakinggan mo ako."

Kahit nagngingitngit ang kalooban ko sa sobrang galit ay minabuti ko na lang na umupo at makinig sa mga sasabihin niya para tigilan na niya ako.

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now