Chapter 65

445 17 0
                                    

"Lagot kayo sa akin!" sabi ni Sage habang hinahabol niya kami ni Zerene. Tawa naman kami nang tawa ni Zerene. Kasalukuyan kaming naliligo dito sa dagat at napagtripan namin ni Zerene si Sage at pinagbabato namin siya ng buhangin.

Napatili ako dahil nang maabutan kami ni Sage ay binuhat niya 'ko tsaka inikot.

"Sage, si Zerene!" sabi ko sabay halakhak. Ibinaba naman ako ni Sage tapos ay si Zerene naman ang binuhat niya.

"Daddy, let's swim again!"

Tumango naman si Sage kay Zerene.

"Tara, Mommy!" yaya ni Sage.

"Kayo na lang muna."

Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang pinapanood ang mag-ama ko.

Four years ago ay iniwan ko si Sage dahil sa magkapatid kami. Iniwan ko siya para sa ikabubuti ni Zerene pero ngayon bakit pakiramdam ko mali ang desisyon ko noon?

Why does it feels so right choosing the wrong thing?

Kung ano man ang magiging consequence nitong pinili ko ay wala na akong paki. I don't care anymore. Napapagod na akong saktan ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi mahalin at ipaglaban ako. Panahon na para ipakita ko kay Sage ang paninindigan ko.

It's us vs the world and I don't care anymore.

Tinawag ako ni Sage at tumakbo ako palapit sa kanila ni Zerene.

At kung sakaling panaginip lang lahat ng ito I don't want to wake up anymore.

"I love you, Veranica!"

I saw the sincerity in his eyes.

How can you not love a man like Sage? A man who will tell you everyday how in love he is to you.

Everybody will judge us, everybody will see our relationship as disgusting as hell but I don't care anymore, i'ts my life....it's my choice and now I chose to be happy.

"I love you even more, Sage!" Nangilid ang luha ko.

As long as I'm with Sage everything seems fine.

Nakaupo kami sa shore at nasa gitna namin ni Sage si Zerene habang pinapanood namin ang sunset.

Inabot ni Sage ang kamay ko at hinawakan.

"Ang tanging hiling ko lang ngayon ay ang manatili ka na sa akin, Vera. Please, don't leave me again." Hinalikan niya pa ang kamay ko. "You and Zerene are my life, Vera. At kung hindi ikaw, I will never be happy kasi hindi kita mahanap sa kahit na kanino."

"I will never leave you again, Sage, and trust me sa pagkakataon na ito ay paninindigan ko ang sinabi ko. paninidigan ko kung anong meron tayo."

Pagkauwi namin ay naghanda na ako para sa hapunan namin habang ang mag-ama ko ay masayang nagkukwentuhan sa sala.

"Daddy, bakit hindi kita kilala before?"

Rinig ko pang tanong ni Zerene.

Parang kinurot naman ang puso ko. Natigil ako sa paghahanda at pinakinggan ang pag-uusap ng mag-ama ko.

"Kilala mo 'ko, Zerene, kaya lang ay nasa tummy ka pa noon ni Mommy."

"Love mo rin ba si Mommy katulad ni Papa Dark?"

Paano naitatanong ng apat na taong gulang na si Zerene ang mga ganoong tanong?

"Sobra, princess. Sobra-sobrang love."

Napangiti naman ako.

At sobra sobra rin kitang mahal Sage.

"Mukhang seryoso ang usapan niyong dalawa, ah?" Kakain na tayo," pagputol ko sa usapan nila.

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now