Chapter 24

471 24 0
                                    

Isang linggo mula nang makatanggap ako ng message from unknown ay hindi ko na rin muna tinangkang buksan ang mga social media accounts ko.

"Bakit ba kasi parang ikaw pa iyong takot na takot, Vera? Siya naman ang may kasalanan." Sumalampak sa tabi ko si Celine at inabutan ako ng chips.

"Hindi naman sa natatakot. Paano kung siya nga iyon, diba? Nakakasira ng araw."

"Alam mo masyado kang advance ni hindi ka nga sigurado kung siya ba talaga 'yon. Akin na 'yan tama na." Inagaw niya rin ang binigay niyang chips.

"E, paano nga kung siya?" Sinamaan ako ng tingin ni Celine.

"O, e bakit parang umaasa ka na siya nga?" Pinagkrus niya pa ang dalawang braso niya sa harap ko.

"Of course not!" depensa ko.

"Kung namimiss mo na ang mga kaibigan mo ito ang laptop mo. Puro ka isip kay Sage, e ikaw ba iniisip niya?" Umirap pa sa'kin si Celine bago umalis.

Tama siya. Bakit nga ba parang takot na takot ako?

"Hi, Vera!" energetic na bungad ni Bri.

"Ang tagal mong hindi nag-online," sabi ni Kyril na halatang nagtatampo.

"Sorry na, Ky. I'm so busy with acads and trainings."

"Ang taray ng accent natin, ah?"

Natawa naman ako sa sinabi ni Andrea.

"Vera-"

Hindi natapos ni Zander ang sinasabi niya dahil kitang kita ko ang gulat sa mga mukha nila.

May biglang humalik sa ulo ko.

"Liam?" Hindi makapaniwala si Ate Kim.

"Hi!" bati sa kanila ni Liam.

"Magkasama kayo? live in?"

Nanlaki naman ang mata ko sa tanong ni Kyril.

Humagalpak naman sa tawa si Liam.

"Paano kung oo?" Umakbay pa siya sa'kin.

Kasabay ng pagsiko ko kay Liam ay bigla ding namatay ang call. Sinubukan kong tumawag uli pero hindi na 'ko makaconnect.

"Bakit mo sinabi 'yon?" inis na singhal ko kay Liam na hindi matigil-tigil sa pagtawa.

"Nakita mo ba iyong reaction nila? That was so priceless."

"Ewan ko sayo. Baliw!" Lalo lang siyang tumawa.

"Hindi mo ba 'ko namiss?"

"Namiss syempre!" sabi ko sabay nguso.

"Then come here, give me a hug." Lumawak naman ang ngiti ko tsaka yumakap kay Liam.

Galing kasi siyang New York at halos dalawang linggo din siya doon.

Nagkita kami ni Liam last year sa National Gallery at napag-alaman ko na dito na rin siya mag-aaral.

"Malapit na 'kong magselos!"

Napalingon ako sa nakangusong si Sazy na kakapasok lang.

"Babe naman!" sabi ni Liam sabay tawa.

And yes, ako ay pambansang third wheel ng dalawa kong kaibigan.

"Just kidding." Yumakap si Liam sa kanya.

"Tara na, Nica."

Kumunot ang noo ko.

"Saan?"

Chasing Chances (Chasing #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora