Chapter 36

465 17 0
                                    

It's December 23 at ngayon namin gaganapin ang Christmas Party namin kaya busy ang lahat sa paghahanda ngayon.

Bukas kasi ay uuwi si Andrea at Ate Kim sa kanila para doon icelebrate ang pasko kasama ang mga pamilya nila.

Uuwi naman galing U.S. ang parents nila Briana at Brixel at sa Manila nila idadaos ang pasko.

Busy ako sa pagdedecorate nang punasan ni Sage ang pawis ko.

Napangiti naman ako. "Napakasweet naman."

"Magpahinga ka muna, Vera, mukhang pagod ka na." Patuloy pa rin siya sa pagpupunas sa pawis ko.

"Okay lang ako."

Tumango naman siya pagkatapos ay bumalik na siya sa ginagawa niya.

"Sobrang saya ko talaga para sainyo ni Sage. Biruin mo, after all the pains heto kayong dalawa magkasama and going strong," sabi ni Ate Kim sabay ngiti.

Ngumiti ako sa kanya pabalik. "Ganoon naman ata talaga, Ate Kim, kapag mahal mo 'yong isang tao. Hindi na mahalaga kung gaano kasakit iyong pinaramdam niya sa'yo, ang mahalaga ngayon ay bumabawi siya at pinapatunayan niya na pinagsisihan niya ang ginawa niya."

"You know what? I've prayed for it. Mas ipinagdasal ko na bigyan ka ng lalaking makakapagpasaya sa'yo at mamahalin ka pagkatapos ng lahat ng masasakit na pagsubok na pinagdaanan mo. Bonus na lang na ibinigay din sa'kin si Brixel." Humagikhik pa si Ate Kim.

Lumingon ako sa kinaroroonan ni Sage. Tumingin din siya sa'kin at ngumiti.

Habang nagdedecorate pa rin ako ay naagaw ang atensyon ko ng kakadadaan lang na si Sage. May buhat siyang malaking box and he is topless.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko sobrang init dito sa bahay kaya pinagpapawisan ako ng malagkit.

"'Yong laway mo, tutulo na." Agad kong inalis kay Sage ang mga mata ko nang marinig ko ang bulong sa'kin ni Bri.

"Pinagsasabi mo jan?" pagdedepensa ko.

Humalakhak naman siya ng malakas kaya napunta sa kanya ang atensyon ng lahat.

Ngumisi pa siya ng nakakaloko kaya kinabahan ako.

Pinandilatan ko siya ng mata para itigil kung ano man ang binabalak niya.

"Sage, sumasakit daw 'yong balikat ni Vera, nangangalay siguro. Kailangan ata ng masahe."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Bri at sa isang iglap lang ay nasa tabi ko na si Sage.

"Tara sa couch, Vera." Hinawakan pa ni Sage ang kamay ko at iginiya ako sa couch.

Inirapan ko naman ang nakangising si Briana. Hindi ko talaga lubos maisip kung kaibigan ko ba talaga sila.

"Dito ba?" Sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko nang dumampi ang mga kamay ni Sage sa mga balikat.

Nakaspaghetti top lang ako kaya naman ramdam ko iyong mga kamay niya sa mismong balat ko.

Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang kung ano anong naiisip ko.

Relax, Vera, masahe lang 'yan.

"Why are you having goosebumps?" tanong ni Sage na halatang nagpipigil ng tawa.

"Ano..ano wala.. Naiihi lang ako...tabi nga." Hinawi ko siya tsaka dere-derechong naglakad. Hindi na ako nag-abalang tignan siya dahil panigurado aasarin nanaman ako non.

Nagpunta ako sa restroom para maghilamos. Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin.

"Ano bang nangyayari sa'kin?  Oh, God!"

Chasing Chances (Chasing #1)Where stories live. Discover now