The Return

5.1K 86 6
                                    

JENNIE

"Jen!!"

Napalingon ako ng may tumawag sakin mula sa likuran. Andito ako ngayon sa NAIA terminal 3 waiting for them to pick me up.

"Welcome back to Pinas!!" sabi ni Seulgi sabay yakap sakin.

"Namiss kita Jen!!" sabi naman ni Dahyun sabay yakap.

"Finally! You're back!" singit naman ni Momo na kakababa lang ng sasakyan dahil inayos yung pagpapark ng kotse.

Then we ended up having a group hug. But my attention was caught by a two familiar people hugging each other sa hindi naman kalayuan samin. Posible kayang siya yun? Pero hindi ko na masyadong nakita pa dahil we broke our group hug and nabaling na ang attention ko sa tatlong mokong na sumundo sakin. Sinubukan kong lingunin ulit yung dalawa but their car is now moving.

"Talagang kumpleto kayo ah?" nakangiting sabi ko naman.

"Syempre hindi namin palalampasin ang pagbabalik mo!" banat naman ni Dahyun.

"Let's go?" pag aya ni Momo. And then we headed to Momo's car.

"Nagleave pa talaga ko masundo ka lang" sabi ni Seulgi na nakaupo sa may shotgun seat ng kotse ni Momo habang kami naman ni Dahyun ay magkatabi dito sa back seat.

"Well dapat lang or else magtatampo talaga ko sayo!" sabi ko naman, pero biro ko lang yun dahil maiintindihan ko naman kung di siya makakapunta.

"I know!" sagot niya naman.

I missed this people so much! It' s been more than 2 years since the last time makita ko sila. Napatingin naman ako sa paligid habang umaandar ang kotse.

"Grabe! Andami nang nagbago dito no?" sabi ko habang namamangha sa laki ng pagbabago dito sa Pinas.

"Oo simula nung umupo si Mr. President andami nang nagbago" sagot naman ni Seulgi.

"Kamusta naman ang states?"

"Okay naman. Sobrang busy"

"Mukha nga. Bihira mo lang kaming kontakin eh" sagot naman ni Dahyun.

"Kung di pa ikakasal tong si Seulgi hindi ka pa babalik dito!" dagdag pa ni Dahyun habang nakapout.

"Sorry na. Sobrang busy lang talaga”

“You know what Seul, I never imagined na papatulan ka talaga ni Irene” sabi ko sabay tawa.

“Aray! Nakakahurt ka ng feelings ah! Kaibigan ba talaga kita o ikaw ang president ng mga bashers ko?” sagot niya habang umaarte na nasaktan sa mga sinabi ko at nakahawak pa sa dibdib niya na parang hindi makahinga.

“Sabi ko nga helmetan niya si Irene kasi baka mauntog at baka umatras sa kasal” sabi naman ni Momo.

Bigla namang natahimik ang lahat ng dahil sa sinabi ni Momo at hindi nakalampas sa mga mata ko kung pano siya siniko ni Seulgi para patahimikin.

“Ooops! Sorry” sabi ni Momo habang pilit na ngumingiti.

Ngumiti na lang ako at nagpanggap na parang hindi ako apektado sa mga sinabi niya.

“Ahh.. ahmm. Mabuti pa siguro kumain na lang muna tayo no? Nagugutom na ko eh. I’m sure nagugutom na rin tong si Seulgi, diba Seul” pagbasag ni Dahyun sa awkwardness dito sa loob ng sasakyan habang itinataas ang dalawang kilay.

“Ahh.. Oo gutom na gutom na nga ko eh” sabat ni Seulgi habang pahimas himas pa sa tiyan niya.

We decided na sa Aristocrat na lang kumain at habang naghihitay kaming iserve ang food nagkwentuhan na muna kami.

Officially Yours 2 [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora