Affected

4K 82 12
                                    

Jennie

Nagising ako dahil sa tumatamang liwanag sa mga mata ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ko sa kakaiyak kagabi. Kakabalik ko palang and here I am still crying over her. Tama ba na bumalik ako? Kaya ko na ba siyang makita ulit? What if wag na lang muna kaya akong pumunta? Pero for sure magtatampo naman sakin si Seulgi. Haaayysss.. napabuntong hininga na lang ako.

My thoughts about her was cut when I heard loud noises na nanggagaling sa sala. Agad akong bumaba to check kung sino yung mga nagtatawanan sa may living room.

"Ayan gising na pala ang mahal na prinsesa!"

It was Seulgi and she is sitting on the couch habang nakatingala at nakatingin sakin na pababa sa hagdan.

"Good morning my Jendeuk!" pagbati ni Dad sakin.

"Haha good afternoon na tito, mag aalas dose na" banat naman ni Seulgi na naging dahilan ng pagtawa nila including Dad.

I checked on our wall clock kung totoo bang mag aalas dose na and yes it's true. I can't believe na nakatulog ako nang ganun kahaba. Simula ng nagpunta ko sa states naging morning person na ko dahil hindi pwedeng tatamad tamad ka dun. You have to wake up early kasi wala ka namang ibang aasahan kundi ang sarili mo. Although consistently akong kinukulit ni Dad about sa paghahire daw ng kasambahay but I still consistently reject his offer. I want to learn to do things on my own and I want to be independent.

I sat down beside Dad and said, "Anong ginagawa niyo dito? Wala kayong work?"

"Ouch! Ayaw mo ba kaming makita?" pagiinarte naman ni Momo.

I rolled my eyes at her and she smiled.

"Sabado ngayon walang pasok" sabi niya at inirapan den ako.

"I've been texting you since this morning but you're not replying. Naninigurado lang akong pupunta ka kaya sinusundo na kita" sabi naman ni Seulgi.

"Is that even necessary? Do I have a reason not to go?" pagkukunwari ko but honestly I was literally thinking of not going to her party kani kanina lang.

"Hmm. You're right. Baka kasi ayaw mo pa siyang makita" sagot naman ni Seulgi.

I looked at them including Dad.

"Well sa ayaw ko man at sa gusto magkikita at magkikita den naman kami sa kasal mo. So, what's the point of avoiding her now?"

"Oo nga naman. Di rin naman nila maiiwasan na pagtagpuin ulit sila ng tadhana" banat naman ni Momo.

"Yeah mukhang tadhana na nga ang gumagawa ng paraan para magkita sila ulit" dagdag pa ni Seulgi na may pagngisi pa.

I saw how they smirked including Dad.

"Well that's not fate okay. It just so happened na nasa iisang circle of friends lang kami kaya hindi maiiwasan na magkita kami ulit. Kung iba naman ang naging friends niya I think hindi na kami magkikita ulit" sagot ko naman at kitang kita ko kung paano tumaas ang mga kilay nila sa sinabi ko.

"Well di ka rin sure dyan Jen. Alalahanin mo, mapaglaro ang tadhana" banat naman ni Momo.

----

We are now heading to the hotel kung saan gaganapin ang party ni Seul. Kinakabahan ako kasi alam ko wala nang atrasan to at hindi na talaga maiiwasan na magkita kami. Huminto naman si Seul sa Im Royale Hotel and we went to the room na inupahan nila for the party.

When we entered the room, we saw Dahyun, Nayeon, Kookie, and Irene. They are decorating the place.

I deeply sighed while standing by the door, afraid to go inside kasi hindi ko alam ang gagawin ko sakaling magkita ulit kami.

Officially Yours 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now