Promise

3.2K 61 1
                                    

LISA

Somi and I waited for her brother habang kinukuha yung sasakyan nila sa parking lot. When her brother parked in front of us, binuhat ko si Somi in a bridal style at iniupo siya sa backseat ng kotse ng kuya niya.

"See you next week" paalam ko kay Somi bago sila umalis ng kuya niya.

"See you!" she said while stretching her arms waiting for me to give her a hug.

Lumapit naman ako at niyakap ko siya ng mahigpit. And she gave me a quick peck on my cheeks while chuckling.

"Thank you sa libre! Nabusog ako. Bye Lisa!" paalam niya habang ikinakaway ang kanyang mga kamay.

"Bye"

I started to drive back to my condo dahil nagsisimula na ring gumabi. Pagdating na pagdating ko sa condo ko ay agad akong sumalampak sa kama ko without even removing my shoes off, then my phone vibrated.

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng pantalon ko para sagutin yung tawag. It's Daddy Henry.

Me: Hey Dad.

Daddy Henry: Lisa anak. You once told me na may medical mission kayo next week right?

Me: yes po. Why po?

DH: I was just wondering if we can join the mission. University week na kasi and you know the tradition, until now kasi hindi pa nakakapili ang student council kung saan gaganapin ang medical mission, so I was thinking if pwede kaming tumulong sa inyo. Don't worry coz I'll also be there to supervise them and ensure na tutulong sila at hindi sila makakagulo sa inyo.

Me: Yeah sure Dad, no worries. Besides we really need a help since hindi pwedeng mawalan ng maraming nurses sa hospital.

DH: Great! See you soon then!

Me: Yeah. See you Dad.

After the call I decided to take a quick shower to freshen up. Then habang nagpapaantok ako biglang may sumagi sa isip ko.

Flashback

"So, ikaw yun?" tanong niya sakin.

Tumango ako habang nakatayo sa gilid ng hospital bed niya. Ni hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil sobrang nahihiya at nagiguilty ako. Nang dahil sakin nandyan siya sa ganyan kahirap na sitwasyon. Nilakasan ko ang loob ko at sinubukan ko siyang harapin. Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya kahit na alam kong walang kapatawaran tong nagawa ko dahil nasira ko ang buhay niya. Tumingin ako sa mukha niya at hindi ko mabasa yung ekspresyon mula sa mga mata niya. There's no sign of anger or hatred sa mukha niya. She was just looking at me blankly, walang ekspresyon basta nakatitig lang siya sakin.

"Halika. Lumapit ka sakin" pagtawag niya sakin.

Nagaalangan pa ko nung umpisa dahil hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Habang papalapit ako sa kanya, kung ano ano nang pumapasok sa isip ko. Siguro sasampalin niya ko. Okay lang tanggap ko, kasi wala naman yung sakit ng sampal niya sa sakit na idinulot ko sa kanya. She instructed me to lean down and face her and I do as she said. Nung makita kong itinataas niya na yung mga kamay niya ay ipinikit ko ang mga mata ko upang ihanda ang sarili ko sa paglapat ng mga palad niya sa pisngi ko, pero nagulat na lang ako ng maramdaman ko yung mga kamay niya sa likod ko na nakayakap sakin habang yung mukha niya ay nakapatong sa balikat ko.

"Masaya akong okay ka"

Yan yung mga salitang binitawan niya habang nakayakap siya sakin. Nanlaki yung mga mata ko sa narinig ko dahil hindi ako makapaniwalang ganito yung gagawin niya. I expected her to slap me hard, shout and curse at me and not this. This is too much and I don't deserve this.

Officially Yours 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now