BIRTHDAY SURPRISE

3.3K 61 8
                                    

Jennie

Sobrang kinakabahan ako ngayon sa gagawin ko. Actually, matagal ko nang pinagisipan kung paano ako magpoprose sa kanya. Yes, you heard me right, ako yung magpopropose. Bago pa lang ako bumalik galing New York napagdesisyunan ko nang magpropose sa kanya dahil hindi ko na kakayaning mawala pa ulit siya sakin. Sobrang dami na naming hirap na pinagdaanan kaya siguro ito na yung pagkakataon para maging masaya naman kami. I waited for her to do it kaso mukhang wala pa ata siyang plano kaya ako nalang ang magiinitiate, sana lang umoo siya.

Pagtapos kong matanggap ang balita galing kay Seungho ay agad akong nagdesisyon na sa Pilipinas na ako magbebase para naman makasama ko na ang mga mahal ko sa buhay. Saka palang pumasok sa isip ko na magpropose na kay Lisa since uuwi na rin naman ako. Inisip kong mabuti kung pano ko magpopropose sa kanya at gusto ko sanang gawin yun sa kaarawan niya pero hindi ko alam kung paano dahil 2 days before ng birthday niya pa ang uwi ko. Kaya naman naisipan kong manghingi na nang tulong mula sa mga kaibigan namin. I told them that I'm going home and I am planning to propose to her on her birthday at syempre like expected sobrang willing naman silang tulungan ako. Ilang araw din kaming nagbrainstorming kung anong maganda naming gawin haggang sa magcame up kami sa beach proposal nato. Yes beach proposal dahil unang unang saksi namin ang karagatan kung paano kami muling nagkabalikan.

Nung una, kinausap namin si Jisoo na kung pwede sa resthouse nila sa Batangas ulit but unfortunately, her husband's family are there for vacation kaya naman we ended up with Kai.  Actually, nung una ayoko kasi ang awkward kaso ang hindi ko alam kinausap na pala siya ni Dad kaya naman wala na kaming nagawa kundi dun na lang den gawin. Besides, wala naman sigurong masama dun since married naman na si Kai at hindi na siya pagseselosan ni Lisa. Kinailangan ko talaga yung tulong ng buong tropa para lang maisakatuparan yung plano ko. Nung umuwi ako ng Pinas, pinilit ko si Lisa na sa bahay na muna ako uuwi instead na sumama ko sa kanya. Yun ay hindi dahil sa namimiss ko na si Dad, kundi para mas maplantsa namin yung plano para sa gagawin naming marriage proposal. Sinadya ko rin yung umalis ng maaga para di ako abutan ni Lisa sa bahay kasi alam kong maaga niya kong pupuntahan. Nag alibi na lang ako na may aasikasuhin pa ko ditong trabaho when in fact bago pa ko umalis ng New York naplantsa ko na yung paglipat ko dito sa Philippine branch. Okay na pati transfer papers. That day, nakipagkita ako sa buong tropa para personal naming mapagusapan yung plano at para maidistribute ng maayos yung gagawin ng bawat isa. Momo and Seulgi will be in charge with the lights and sounds, Dahyun will be in charge of the set up, and kami naman ni Chaeng ang kakausap kay Kai at titingin ng venue. That day Lisa is messaging everybody on my whereabouts but I told them not to tell her. When the tasks are properly delegated ay nagkanya kanya na kami para gawin yung mga nakaassign sa bawat isa. Nagcocommunicate na lang kami through chat. I'm just so lucky to have my friends na willing tumulong sakin ng buong puso. The day before her birthday, nakipagkita kami ni Chaeng kay Kai para magpasalamat at para makita na rin namin yung place. Nagrehearse at nagset up kami dun buong maghapon para maisakatuparan namin ng maayos yung plano. I decided to make a two part program, una, her birthday party, habang yung pangalawa naman ay yung proposal para hindi niya mahalata. So, we ended up having two songs. At para naman di siya makahalata ay dinalangan ko yung pagrereply ko sa kanya. Less talk, less mistake, ika nga nila.

I haven't been talking to her simula ng umalis kami sa bahay niya dahil busy pa rin ako sa pagoorganize ng proposal na to. Actually, I'm very anxious sa pwedeng kalabasan. Dami kong naiisip na what if di pa pala siya ready, what if ayaw niya pa pala, what if di siya umoo? Pero isinantabi kong lahat ng yun at sabi ko sa sarili ko na kung anumang desisyon at magiging sagot niya tatanggapin ko.

I was talking to Kai on chat para magpasalamat ng hindi ko namamalayang nakarating na pala kami ng venue. Then I was startled when Lisa suddenly burst out at nagalit siya sakin. It's actually not part of the plan na magalit siya kaya natakot ako lalo na nung inagaw niya yung phone ko at nakita niyang katext ko si Kai. Nagpapasalamat lang naman ako sa kanya for letting me borrowed this place that they own para sa event na to.  Galit na galit siya to the point na nagwala na siya sa harapan ko. Sumobra naman ata ako ng hindi pagsasalita and I make her feel ignored. Natakot ako kasi akala ko magkakanda loko loko na dahil nagsimula na siyang maglakad papalayo. Thankful na lang ako na papunta siya sa direksyon kung saan kami nagset up. Pinasigurado ko sa kanila na madilim yung lugar para hindi agad niya mapansin. I keep calling her name pero di niya ko pinapansin coz she's really mad. Nung papalayo na siya ng papalayo ay saka ako sumigaw ng halos maubos na yung boses ko mapahinto lang siya dahil lagpas na siya sa kung saan siya dapat tatayo. Gladly, napansin niya naman ako but her eyes were burning in anger. Aaminin ko natakot akong lumapit sa kanya but knowing her, alam kong di niya ko kayang saktan. So, lumapit ako, and I pulled her back para patayuin sa right spot. Bakas sa mukha niya yung pagkagulat at pagtataka sa mga pangyayari. I left her standing alone habang papunta naman ako kung saan naghihintay sina Momo. Madilim ang paligid but there's a spot light kung saan nakatayo si Lisa kaya naman kitang kita ko yung ekspresyon sa mukha niya. I smiled watching her confused kung ano ba talagang nangyayari. Puwesto na sina Momo at Seulgi on my back with the drums and the guitar at pumwesto naman ako sa may mic. Nung maihatid na ni Kai yung upuan kay Lisa bakas yung pagkagulat niya but thankfully hindi niya sinaktan si Kai dahil na rin siguro sa sobrang pagtataka niya kung bakit kasama ni Kai yung mga tatay namin. When Kai exit the scene ay saka ko na pinabuksan yung spotlight kung saan kami naghihintay. I smiled at her and I saw how she lifted her lip for a smile pero bakas pa rin yung confusion sa mukha niya.

Officially Yours 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now