Coma

3.4K 60 0
                                    

Lisa

"How was it?"

"Nothing's changed. According to our last session, she said she still doesn't feel her legs" Doctor Hyun answered while shaking his head. I felt hopeless with what I've heard but I don't want to entertain that thought but rather be positive about her condition.

"Do you think may pag asa pa?" I asked while looking at the hospital records.

"Like what I have told you Lisa, I can't give you a definite answer with it coz this kind of situation may take years to fully recover but worst case scenerio is pwedeng hindi na siya makapaglakad ulit"

Sandali akong tumahimik nang marinig ko yung sinabi ni Doctor Hyun at nang biglang bumukas ang pinto. Doctor Hyun and I looked at the door.

"Lisa!" she excitedly said after seeing me.

She's on a wheelchair at tulak tulak yun ng kuya niya. He's looking at me without any expressions on his face kabaligtaran naman ng pagkatuwa sa mukha ni Somi pagkakita niya sakin. I turned my gaze to Somi and I smiled weakly at her. Hindi ko maiwasang itago kung anong nararamdaman ko. I am still haunted by my conscience dahil ako ang may kagagawan nito sa kanya. I almost ruined my life but worst nandamay pa ko dahil sa sobrang pagkamiserable ko at habambuhay akong hindi papatahimikin ng konsensya ko kapag tuluyan nang hindi makakapaglakad si Somi dahil sakin. I tried to hide my emotion and my tears after hearing her condition that there's still no progress. Her brother went outside samantalang lumabas na muna si Doctor Hyun para ihanda ang lahat ng kakailanganin para sa therapy.

Lumapit ako sa kanya and I kneeled down in front of her and said, "Hi".

Tumingin siya sa mga mata ko nang nakangiti pero nawala yung mga ngiti na yun at kumunot ang kanyang noo. She held my face wirh her right hand and caress it using her thumb.

"Bat malungkot ka?" tanong niya sakin.

Umiling ako.

"No, I'm not"

"Lisa.. Okay lang ako"

At dun ko na hindi napigilan ang sarili ko. I broke down in front of her. Yung mga luhang kanina ko pa pilit na pinipigilan ay tuluyan ng kumawala. I held her right hand na nakahawak sa mukha ko and I started to cry on her lap. There's a lot of things going on these past few days. Si Jenny, si Daddy Henry, and now Somi's situation. Hindi ko na alam kung ano pang mararamdaman ko. I cried out all the frustrations and emotions I have nung mga nakakaraang araw.

"I'm sorry.. I'm sorry.. I-I'm s-sorry.. Kasalanan ko to. Kas-kasalanan ko kung bat ka nagkaganyan" I said in between sobs.

She caress my head using her left hand.

"Sssshhh.. Tama na. Tapos na yun. Saka hindi kita sinisisi"

I lift my head up and I see her smiling at me. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit imbes na magalit, eto siya pinapatahan ako, nakangiti sa harapan ko. Ni hindi niya ko sinisi kahit isang beses. Mas lalong bumibigat yung dibdib ko kapag ganito siya sakin. Hindi ko maintindihan na sa kabila ng pagsira ko sa buhay niya, pinili niya paring kaibiganin ako. Mas matatanggap ko pa kung magagalit siya sakin katulad ng kuya niya. Pero ni minsan hindi niya pinamukha sakin na sinira ko ang mga pangarap niya, ang buhay niya. She doesn't deserve this and I do not deserve this treatment from her.

Hinawi niya yung mga buhok na nakaharang sa mukha ko habang patuloy pa ring nakangiti sakin. Pinunasan ko naman na parang bata ang mga luhang umaagos mula sa mga mata ko. Ako dapat yung matatag, ako dapat yung nagpapalakas sa kanya pero kabaligtaran yung nangyari.

Officially Yours 2 [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz