Batanes Day 1

3.3K 66 0
                                    

Lisa

"Dyan tayo sasakay?"

Nakita ko kung gaano siya namutla nung makita niya yung maliit na bangka na sasakyan namin papunta sa lodge na tutulugan namin. It was a small boat without any balance beams on the side.
I know how Jennie hates riding a boat dahil sa sea sickness niya. Madali kasi siyang mahilo kapag nakasay siya sa ganito.

"Opo. Ito po yung tinatawag naming Faluwa, eto po yung magdadala satin sa Sabtang Island. Wag po kayong magalala safe po ito" nakangiting paliwanag naman ni Eman.

I watched Jennie as she shook her head, halatang hindi siya sumasang ayon kay Eman. Maski naman ako duda kung safe bang sakyan tong bangkang to pero dahil sila naman yung expert dito magtitiwala na lang ako.

"No! I'm not gonna ride that thing" she said consistently shaking her head while wearing her bitch face.

She's cute!

"Naku ma'am Jennie wala na pong ibang masasakyan papunta ng Sabtang. Kung hindi po kayo sasakay dito ngayon baka mamayang hapon pa po kayo makaalis dito o kapag minalas po kayo baka bukas pa yung susunod na byahe" paliwanag naman ni Eman.

I looked at Eman then to Jennie. Nagsisimula na ring magbulungan yung mga pasahero habang nakatingin samin. I need to convince Jennie now kung hindi maiiwan kami ng bangka. Ayoko namang magstay dito sa damuhan hanggang bukas o mamayang hapon no.

"Ah. Ahm. Jen? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh, tayo na lang yung hinihintay. Mukhang safe naman eh, saka ayokong magstay dito hanggang bukas no, saka gutom na gutom na rin ako eh" sabi ko sa kanya trying to convince her na sumakay na sa Faluwa while giving her a weak smile. Sana maconvince ko siya. May pagkamatigas pa naman ang ulo nito, pag ayaw niya, ayaw niya.

She let out a deep sigh habang nakatingin siya sakin while crossing her arms.

"Fine. Siguraduhin mo lang na safe yan ah" sabi niya kay Eman at mabilis namang tumango ang binatilyo habang malapad na nakangiti.

Iniabot ko kay Eman yung mga bagahe namin ni Jennie saka pinauna ko na si Jennie umakyat ng Faluwa. Inalalayan naman siya ni Eman at inabot nito ang kamay niya habang nakahawak yung isang kamay niya sa kamay ko. Isa isa kaming binigyan ng life vest nung mga bangkero para mas safe. Nang masigurado ko nang nakaupo na si Jennie ay umupo na rin ako. I sat in front of her. Gusto ko sanang umupo sa tabi niya kaso wala nang space eh kaya dito na lang ako sa harapan niya atleast mababantayan ko pa rin siya. I am now looking at her and I saw on her face how anxious she is kahit na hindi pa umaandar yung bangka pero mas lalo siyang namutla nung nagsimula na tong umandar. I saw how she hold on tight when the engine starts running.

Sabi nung mga bangkero the waves are gentle and hindi daw kami matatagalan na makarating sa Sabtang pero habang mas lumalayo at gumigitna yung bangka namin mas lumalakas yung alon na halos lamunin na nang malalaking alon yung bangkang sinasakyan namin. I was so worried about Jennie dahil nanginginig siya sa sobrang takot. Her head was was facing down habang nakatakip naman sa mukha niya yung mga kamay niya, afraid to see how the big waves are hitting our boat. I reached for her thigh and I caress it slowly to calm her. Gusto ko siyang tabihan at yakapin pero di ko magawa kasi wala na ngang space sa tabi niya ng bigla naman akong tapikin nung aleng mukhang turista rin na katabi niya. She instructed me na magpalit kami ng upuan. I smiled at her and thank her. She nods at binulungan niya ko habang nagpapalit kami ng pwesto. "Take care of her, she needs you" bulong niya sakin. Tumango naman ako at muling nagpasalamat sa kanya.

Nung makaupo na ko sa tabi niya ay agad ko siyang inakbayan.

"It's okay" bulong ko sa kanya.

Officially Yours 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now