Drunk

3.4K 66 0
                                    

LISA

"Sorry Somi" sabi ko.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinalikan ko siya. Nagiguilty tuloy ako. Hinalikan ko siya kasi gusto kong malaman yung magiging epekto nung halik sakin, pero wala. Wala akong maramdaman. Hindi ako nakaramdam ng kaba o anumang kakaiba sa katawan ko. Aaminin ko, akala ko magagawa kong kalimutan si Jennie sa mga halik ni Somi pero mali ako, maling mali. Isang malaking katangahan na naman yung nagawa ko. I broke the kiss and moved away when Somi started to moved her lips and answer my kiss. I realized na hindi tamang gamitin ko siya para kalimutan si Jennie.

"Hindi ko sinasadya" sabi ko.

She weakly smiled at me and she nod her head.

"Wag ka namang magsorry oh. Parang napakalaking kasalanan naman ng ginawa mo" sagot niya.

I heave and deep sigh and said "Hi-hindi ko dapat ginawa yun. I don't want to give you a--"

"A false hope?" sabi niya bago ko pa matapos yung sasabihin ko.

I nod my head. Nakayuko lang yung ulo ko dahil hindi ko magawang tignan man lang siya dahil sobrang nahihiya ako sa naging actions ko.

She cupped my cheeks with both of her hands and she looked straight into my eyes. She shooked her head.

"Wag kang magsorry kasi mas nasasaktan lang ako. Sinabi ko sayo yung nararamdaman ko kasi gusto ko nang gumaan yung loob ko at para wala na kong tinatago, pero hindi ibig sabihin nun na kailangan mong suklian kung anuman yung nararamdaman ko para sayo. Tanggap ko kung hindi mo ko kayang mahalin" she said while smiling weakly at me.

Oo nakangiti siya pero kitang kita ko sa mga mata niya yung lungkot kaya mas lalo tuloy akong nakokonsensya sa ginawa ko. She let go of my face at ipinatong niya sa mga hita niya yung mga kamay niya.

"Lisa curious lang ako"sabi niya.

Napatingin naman ako sa kanya. I was silent, waiting for her to talk and spill what she's thinking.

"By any chance, si Jennie ba yung ex mo?" tanong niya.

How did she know? I never even told her Jennie's name.

"H-how did you know?" tanong ko.

"Nakita ko kung pano niyo tignan ang isa't isa"

Ngumiti siya habang nakatingin sa mga halaman dito sa garden ngayon.

"Mahal mo pa ba siya? kasi sa tingin ko mahal ka pa niya" komento niya.

I was caught off guard sa tahasan niyang pagtatanong ng feelings ko towards Jennie. She's really blunt and tactless as always. But this is what I like the most sa ugali ni Somi. Walang pagkukunwari, walang kaplastikan.

Tinignan ko siya at pinagmasdan habang nakangiti siya habang pinapanood yung mga puno't halaman.

"Pano mo nasabi?" kunot noong tanong ko.

"Hindi naman siguro siya iiyak at tatakbo nung hinalikan kita kung wala na siyang feelings para sayo"

Natahimik ako. I know Jennie told me that she still loves me, but it's hard for me to believe her lalo na ngayon that she's already with someone else. Siguro para makalimutan niya na rin ako or siguro narealize niya na mas mabuti para sa kanya kung pipiliin niya si Seungho. Besides, Seungho is always there for her, tapos magkasama pa sila sa trabaho.

I came back to reality when Somi bumped my shoulders.

"So-sorry" sabi ko naman.

I wasn't aware that I'm already spacing out.

Officially Yours 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon