Key

3.1K 68 0
                                    

Jennie

"Teka bakit iisa?"

Napalingon ako when Lisa talked. Nakatayo siya malapit sa reception area and her back was facing me. Out of curiousity agad akong lumapit sa dalawa.

"Why? Anong nangyayari?" tanong ko.

I moved closer to them and I saw Lisa holding one key on her hand.

"Ah.. eh. Ano kasi.. Mukha nagkamali ata at iisa lang binibigay nila sating kwarto" sagot niya.

"What? " tanong ko naman while turning my gaze to Eman.

"Hindi po sila nagkamali. Isa lang po talaga yung binook na kwarto ni Ms. Kang. Pero wag po kayong magalala, yun po yung pinakamagandang room dito at medyo malaki naman po yung kama dun" pangiti ngiting sagot lang ni Eman.

I'm starting to lose my cool dahil sa batang to. I've shown him my bitch side pero parang di siya naaapektuhan instead he's always just smiling at me. Hindi pwedeng magsama kami ni Lisa sa iisang kwarto, aside from baka magaway lang kami, I was afraid for myself dahil baka hindi ko mapigil ang sarili ko. Yun nga lang mapadikit siya sa katawan ko may kung ano nang kuryente ang dumadaloy sa katawan ko eh, yun pa kayang matutulog kaming magkatabi? No! Hindi pwede!

I walked towards the receptionist to clear things out. Lisa followed me and she stand beside me.

"Excuse me miss"

"Yes ma'am?" nakangiting tanong naman nung receptionist sakin then she glanced to Lisa and smiled.

"Can you please double check kung may rooms for Jennie Kim, Lisa Manoban, or Kang Seulgi?"

"Ah sige po ma'am"

I watched her as she checked on her computer.

"Meron po ma'am" she said.

I smiled. Mukhang nagkamali nga lang kanina.

"Miss Jennie Kim and Lisa Manoban, room 027 po. And para naman po kay Ms. Kang wala po" paliwanag niya.

"Are you sure?" tanong ko.

"Yes ma'am" she answered while smiling and looking at Lisa.

What the heck? I she flirting with her? With furrowed brows I glared at Lisa and she's also smiling to this flirt in front us. She then glanced at me and I saw how she swallowed the lump on her throat. She tried to smile at me but I just rolled my eyes on her. How dare she flirt with another girl when I'm just in front of her! Annoying!

Lisa bowed her head so I turned to look at the receptionist again. What the fuck! She's still looking at my Lili while biting her lower lip.

"You know what, nevermind!" I irritatedly said.

I snaked my hands on Lisa's right arm at hinila ko siya papalayo sa receptionist na kanina pa siya pinagnanasahan. I stomped my feet habang sinusundan namin si Eman papunta sa room 027.

"Dito na po" nakangiting sabi naman ni Eman then kinuha niya yung susi kay Lisa at siya na mismo ang nagbukas ng pinto para samin.

"Maiwan ko na po kayo dito. Kung may kailangan po kaya idial niyo lang po yung sa lobby at saka niyo po ako ipatawag" pagpapaalam ni Eman pagtapos niyang ipasok yung mga maleta namin.

Nang maisara na ni Eman yung pinto, I heard Lisa chuckled. I looked at her with furrowed brows. Anong tinatawa tawa nito?

"Why are you laughing?" tanong ko.

"Coz you've been clinging to me since earlier. Hindi naman ako mawawala" she said chuckling while looking at our intertwined arms.

Nun ko pa lang narealize na yes, I'm still clinging onto her. I felt my face heated up at parang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko at sinimulan kong kumalas sa pagkakayakap ko sa mga braso niya. I turned my back at her at dumiretso agad ako sa kwarto leaving her laughing in the living room.
Ano ba Jennie Kim? Act normal!

Pagpasok ko ng kwarto ay agad bumungad sakin yung kama na hindi naman ganun kalakihan but more than enough for two people. Kasya na kami ni Lisa dito. What? Wait. What am I thinking? Me and Lisa on one bed? Just by thinking about it makes me feel hot all of a sudden. No! We can't share the same bed, pero kung hindi siya dito matutulog san siya?

I went outside the room to check on Lisa and she's now lying on the couch. Nakapatong yung kanang braso niya sa mga mata niya
para takpan ito. Siguro napagod siya sa byahe. Looking at her now, I cannot imagine na dyan siya sa couch matutulog. Hindi naman kasi ganun kalaki yung couch, kaya lagpas yung paa niya. Palapit na sana ko sa kanya ng bigla naman siyang gumising. She looked at me and said, "You need something?"

I shook my head. "No, I'm just wondering kung saan mo planong matulog?" I asked.

She looked at me and she smiled. "Okay na ko dito. You can have the bed" sabi niya while tapping the couch and smiling warmly at me.

I look at her and nod then pumasok na ulit ako sa kwarto. Hindi ko na siya inaya dito sa loob matulog. Mas makakabuti na hiwalay kami kasi baka kung ano pang magawa ko, este namin na pagsisihan lang namin. After kong isara yung pinto ay napatingin ako ng diretso. Bakit hindi ko agad napansin to kanina. I was mesmerized nung makita ko yung napakagandang tanawin. Agad akong pumunta sa balcony to feel the cool breeze and fresh air of Batanes. Kita mula rito sa kwarto namin ang napakagandang tanawin. Masaya kong pinanood ang dagat mula rito sa balkonahe ng kwarto namin and I smiled. Hindi pa rin ako makapaniwala na andito ako ngayon sa Batanes with the person I loved. Sana lang she still feel the same way. Pero kung hindi na, tatanggapin ko na lang kahit na masakit. Kasalanan ko rin naman eh. Atleast I get to spend my last days here in the country with her. Actually I was planning na magstay na lang sa US for good tutal wala na rin naman akong babalikan rito. Well si Dad, but he can always visit me naman sa US or if he wants he can retire there with me. I felt a sudden pain in my chest thinking about leaving the country, leaving her for good pero wala na kong magagawa eh. That's the best way for me to move on. Kasi hindi ako makakausad hanggat nakikita ko siya.

I was cut on my train of thoughts when my phone rang. I looked at the bed and there I saw my phone. Agad akong lumapit at kinuha yung phone ko to check who's calling. Bumungad naman ang mukha ng kaibigan kong si Seulgi na tumatawag through messenger.

I opened the video call at bumungad sakin ang tatlong mokong kong kaibigan.

"Hi Jen!" sabay sabay na bati nung tatlo.

"Wag niyo kong ma-hi hi ah. Pinagkaisahan niyo ko"

"We did that for you. You guys need some fresh air, para makapagisip isip kayo pareho, para makasinghot kayo ng sariwang hangin at hindi puro pulusyon ng Maynila ang nasasagap niyo, at para malinawan na yung pagiisip niyong pareho" paliwanag naman ni Seulgi.

I furrowed my brows then I answered.

"What do you mean?"

"All she's saying is, parehong magulo yung mga utak niyo and you need something na makakapag reorganize ng mga isip at saloobin niyo. Take that time para makapagusap kayo" paliwanag naman ni Momo habang patango tango naman si Dahyun at si Seulgi.

"They are right Jen, it's either you fixed things between you and Lisa or have some closure with her" sabi naman ni Dahyun.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Closure?Am I ready for a closure? Hindi ko alam, but I guess they are right. We need to talk, about our past, about us, about everything.

"But I guess after this trip you'll thank us" nakangiting sabi naman ni Seulgi.

I smiled at them. I know what she means and I was hoping na sana tama siya.

"But wait, kasabwat niyo si Chaeng dito?" tanong ko.

Hindi lang ako makapaniwalang napapayag nila si Chaeng. She's always loyal to Lisa kasi.

"Oo naman! Chaeng knows how much you need this time together. Kaya wag niyong sasayangin yung pinaghirapan namin ah. Kailangan pagbalik niyo dito may baby na, este nakapagusap na kayo, kayo na ulit. Hahaha"

At sabay sabay na nagtawanan ang mga loko loko sa banat nitong si Seulgi.

"Siraulo!" tanging sagot ko naman.

"O sige na Jen, papatayin ko na to, magenjoy kayo dyan! bye!!" at saka sabay sabay na kumaway ang tatlo bago ibinababa ang telepono.

Officially Yours 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now