PROLOGUE

115 43 6
                                    


DISCLAIMER: This is a work of fiction Names, Characters, Businesses, Places, Events, Locales, and Incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story contains mature themes and strong language that are not suitable for very young audiences. Read at your own risk.


***********************************************************************************************

"WELCOME TO THE CHRISTIAN WORLD JOHN MATTHEW!"

Masaya naming sinalubong si Ate Linda na kakagaling lang sa simbahan, lalo pa kaming sumaya nang magiliw na ngumiti si John Matthew.

"Ang cute talaga ng Apo ko!" energetic na sabi ni Tita Marie at nilapitan si Ate Lina agad niyang nakuha ang atensyon ng lahat. Ang iba ay natawa ang iba naman ay napailing.

"Mom please.." nahihiyang sabi ni Kuya Andrei pero tinaasan siya ng kilay ni Tita Marie.

"Why? I'm just happy anak! Wahh! Picture picture muna!"

Natatawa kaming pinanood sila Ate Lina at Kuya Andrei na magpicture sa gitna kasama si John Matthew.

"Ang cute nila huhuhu!" naiiyak na sabi ni Thea.

"Yeah, parang kailan lang ay---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may umakbay na sa 'kin kaya napatingin ako sa kanya.

"Ooppss! Bawal bad vibes!" pigil sa 'kin ni Ken at umakbay din sa 'kin si Kael.

"Tumpak! Past is past!" sabi niya, nag apir pa sila ni Ken sa likod ko.

"But that past made us better persons. Right Tori?" nakangiting tanong sa'kin ni Charles. Naluluha akong tumango sa kanya, kahit matagal na ang mga nangyari noon ay parang sariwa pa rin sa alaala ko lahat pero ang sakit at lungkot ay unti-unting napapawi.

"Hep Hep! Say hi to my Vlog!" energetic na sabi sa amin ni Gelo at tinapat ang camera.

Natatawa kaming bumati sa camera niya at agad itong kinuha ni Thea. Agad naman siyang hinabol ni Gelo. Nilibot ko ang paningin ko at hindi ko mapigilang alalahanin ang nakaraan dahil lahat ng mga bisita dito ay nagkaroon ng mahalagang parte sa buhay ko. Isa sila sa mga dahilan kung bakit masaya ako ngayon at kuntento na kung anong meron ako ngayon. Alam kong pare-pareho kaming nasaktan at muntik ng sumuko noon pero ngayon unti-unti nang lumalaban para sa pangarap nilang buhay.

"Hoy babaita! Sabay na tayong kumuha ng pagkain doon." napakurap ako ng makita ko itong loko-lokong lalaki sa harapan ko na bahagyang nangunot ang noo "Oh? Ba't umiiyak ka nanaman?" tanong niya pero umiling ako at ngumiti sa kaniya.

"Tama na 'yan sis, tara na kainan na!" singit ni Ate Arianne at inabutan ako ng panyo. Agad siyang binatukan ni loko-loko.

"Putek! Sumi 'Sis' ka na ngayon ah! Iba talaga epekto sayo nung gunggong na 'yun!" nang-aasar na sabi nung loko loko, inirapan siya ni Ate Arianne.

"Huwag mo ngang mabanggit banggit ang Chris na 'yon!" inis na sabi ni Ate.

"Hoy wala akong sinasabing pangalan! Ikaw ang bumanggit kay 'Chris'!" natatawang sagot nito.

"Ehem! I heard my name, are you backstabbing me?" biglang lumitaw sa tabi ni Ate Arianne si Kuya Chris na nakangisi sa 'min at namula sa inis si Ate Arianne.

"Ano naman sa'yo?! Tse! Doon ka sa kabit mo!" agad siyang iniwan ni Ate Arianne pero nakanguso siyang hinabol ni Kuya Chris.

"Hey! Don't run! How many times do I have to tell you na she's just.." hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Kuya Chris dahil nakalayo na sila at lumakas na din ang music. Nagsimula na ring mag setup ng videoke kaya lalong umingay.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now