CHAPTER 1

85 35 11
                                    


"HOY MGA KUPAL GUMISING NA KAYO DIYAN!"


Napangiwi ako sa lakas nang sigaw ni Thea na nasa second floor. Nandito ako sa kusina at nagluluto ng breakfast naming anim. Bacon, Tocino, Eggs, Longganisa and fried rice are our usual breakfast with coffee of course. Sino bang ayaw sa kape? Duh? Hindi yata kumpleto ang araw naming lahat kapag hindi kami naka inom ng kape.


"HOYYYY! ANO BA! BUBUHUSAN KO TALAGA KAYO NG MAINIT NA TUBIG! CHARLES! PAKIDALA NGA DITO ANG TERMOS!" rinig ko ulit na sigaw ni Thea. Napatingin ako sa dining at nakita kong parang walang narinig si Charles at patuloy lang sa pagbabasa.


Napa hagikgik ako nang may narinig akong sigawan sa taas. Tuwing umaga ganito talaga ang eksena. Kami laging tatlo nila Thea at Charles ang laging unang nagigising. Ako taga-luto, si Thea naman taga-gising sa mga kupal at si Charles ayon nagkakape habang nag-aaral.


Si Charles yung tipong makikita mo na lang sa madaling araw na nagbabasa ng libro at maririnig mong nagsasalita mag-isa dahil nag kakabisado. Siya rin yung tipong kapag binuksan na niya ang libro niya mahirap na siyang tawagin at parang wala na siya mundo.


Nilagay ko na sa isang plato ang mga Tocinong naluto ko na. Fried rice na lang ay tapos na ako. Hindi pa ako nakauniform dahil baka mangamoy lalo na't nagluluto ako. Kaya minsan kapag napasarap kami ng kain ako ang huling nagiging ayos dahil kailangan ko pang mag palit ulit.


"Tori, may nagtext yata sayo.. nag vibrate e." tawag sa 'kin ni Charles. Sinabi niya 'yun nang hindi tumitingin sa 'kin at tuloy-tuloy lang sa pagbabasa. Agad kong kinuha ang cellphone ko at napa buntong hininga na lang ako nang mabasa ko ang text ni Mama.


From: Mama Globe

Anak, hindi ko muna maibibigay ang buo ang allowance mo ah... mag fifield trip kasi sila Jacob at Linda kailangan ng pambili ng baon nila at pocket money.. Alam mo namang ang liit na ng padala ng Papa mo.. babawi na lang ako sayo anak kapag sumweldo na ako.. Ingat ka nak!


Nagreply na lang ako ng 'Okay' dahil alam ko namang wala akong magagawa. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagluto ko hanggang matapos.


Mabuti na lang at walang bayad ang pag ste-stay ko rito sa bahay nila Kael dahil kung mayroon ay mapipilitan na lang ako mag commute araw-araw kahit sobrang layo ng school na pinapasukan ko sa bahay. Maraming bahay sila Kael pero isa ito sa hindi nila inuuwian. Bakante lang talaga at ngayon ay ginawa ng parang apartment pero kaming anim lang ang nakatira. Anim kaming magkakaibigan Ako, si Thea, Charles, Kael, Gelo at Ken.


Nabuo ang barkada namin noong First year High School. Actually siyam kami 'yung tatlo sa ibang bansa nag-aaral dahil college na ang mga 'yon at mayayaman. Ang mga magulang talaga nila Kael at Ken ang gusto kaming tumira dito. Malungkot daw kasi kapag yung magpinsan lang ang titira dito at may matatanungan sila kung sakaling may ginawang kalokohan yung dalawa. Libre ang stay namin dito pero may mga rules na sinusunod. Well, madami 'yon kaya wala na akong balak isa-isahin pa.


May-kaya naman kami, dahil si Papa ay OFW sa Dubai at si Mama ay isang public teacher. Simula bata ay sa Private school kami nag-aaral ng mga kapatid ko. Ngayong Senior High School na ako, pinili kong sa isang public school na lang ako mag-aral dahil dalawang taon lang din naman 'yun at para narin makatulong kila Mama. Lumiit ang pinapadalang pera ni Papa dahil nagkaroon ng krisis ang kompanya niya kaya naman kailangan ibudget nang maayos ang perang pinapadala niya nitong mga nakaraang buwan. Dahil nga nasa private school pa rin ang mga kapatid ko, malaki pa rin ang gastos. Idagdag mo pa ang mga kamag-anak namin na ang hilig bumisita sa bahay para mangutang at makikain pero hindi naman nagbabayad. Si Mama naman hindi sila mahindian.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now