EPILOGUE (Part 2 of 3)

12 3 0
                                    


"OMG! ATE! KUYA! MAMA!"

Agad akong napabalikwas nang binuksan isa-isa ni Junavi ang mga pinto ng kwarto namin at sumigaw-sigaw. Narinig ko pa ang tili niya kahit malayo na siya sa kwarto ko. Agad akong pumunta sa banyo para maghilamos at magmumog. Hindi na ako nag-suklay o nag-ayos dahil dito lang naman ako sa bahay.

"Junavi, umagang-umaga.." narinig kong saway ni Jacob sa kaniya habang pababa ako sa hagdanan.

"Ano ba 'yon at kung maka-sigaw ka naman?" tanong ni Linda.

Pagbaba ko ay nakita kong talon nang talon pa rin si Junavi habang hawak ang laptop niya. Si Jacob ay nakabihis para mag-jogging at si Linda naman naka-pantulog din kagaya ko. Si Mama ay naririnig ko sa kusina kaya mukang naghahanda na siya ng almusal namin.

"Okay! Kumpleto na ba?" tanong niya na parang hindi niya napansin na nandito na kaming lahat.

"Ano—" pinahinto niya si Mama na kalalabas lang galing kusina at nagpupunas ng kamay.

"NAPILI AKO! WAHHH! MAKAKAPUNTA NA TAYO SA THAILAND MA!" sigaw niya kaya awtomatiko rin akong napatili. Si Linda naman ay nanlaki ang mga mata at si Jacob halatang nagulat din.

"WAH ANAK!" tili ni Mama bago niyakap si Junavi. "'Yan ba 'yong sa audition mo last month?" excited na tanong ni Mama. Lumapit kaming magkakapatid at tiningnan ang email sa laptop niya.

"Ito 'yong sa gymnastics?" tanong ni Linda.

"YES ATE!" tuloy pa rin sa 'pag talon ang kapatid ko.

"Iba pa yung sa ballet mo?" takang tanong ni Jacob. Sa dami kasi ng sinasalihan ni Junavi hindi na namin alam kung ano sa mga 'yon.

"Next week pa labas ng results no'n Kuya! Pero feeling ko makakapasok din ako!" excited na sabi niya.

"Congrats, Anak!" niyakap siya ulit ni Mama kaya naki-yakap na rin kaming magkakapatid.

"Ay teka! Diba ngayon din labas ng results sa exam mo Ate?" humiwalay kami sa pagkakayakap at napatingin sila sa 'kin.

"Ate, check mo na!" inabot sa 'kin ni Junavi ang laptop niya. Nag-aalangan kong inabot 'yon pero nag-log in pa rin ako. Pagtingin ko sa may page ay wala pang announcement kaya napabuntong-hininga ako.

"Baka mamaya pa, maaga pa naman!" pumalakpak si Mama at inaya na kaming kumain pero tumanggi si Jacob dahil mag jojogging pa raw siya.

"Kuya! Bilhan mo 'ko puto kay Aling Chadeng!" sigaw ni Junavi. "Pati pala buko juice kung meron!" pahabol niya pa.

"Panay ang pabili mo akala mo may pinatago." Inis na sagot ni Jacob bago lumabas ng bahay. Natawa na lang ako nang ngumuso si Junavi at sinabing lalabas na lang siya mamaya.

Pagkatapos naming kumain ay tumambay pa kami saglit sa sala para manood sa Netflix. Si Mama naman ay sumama sa mga kumare niya para mag-grocery. Naka-unan si Junavi sa mga binti ni Linda habang nakasandal naman sa 'kin. Si Junavi ang namimili ng movie kaya cartoons na naman. Hindi naman ako nag-reklamo kasi gusto ko ma-relax. Kinakabahan kasi ako sa results.

Habang nanonood kami ay dumating na si Jacob at natawa na lang ako nang makitang binili niya pa rin ang bilin ni Junavi. Niramihan niya 'yon dahil alam niyang manghihingi kami. Hindi na rin ako nagulat nang kasama niya si Alberto Justin na katulad niya ay nag-jogging din.

"Wala pang results?' tanong niya pagkatapos humalik sa pisngi ko.

"Wala pa e. Kinakabahan nga ako eh." Sagot ko habang nirelod ko ulit 'yong page para tingnan kung meron na.

You're my Answered Prayer [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon