CHAPTER 48

11 2 0
                                    

"Love! Dito tayo!"

Agad akong kumaway at nahihiyang nagtakip ng bibig dahil napatingin ang ibang tao rito sa restaurant. Katatapos ko lang mag-grocery para sa Noche Buena, magpapasko na kasi. Sa buong simbang gabi ay magkasama kami ni Alberto Justin at sobrang saya ko. Kahit nag-rereview siya para sa board exams ay nahahrap naming mag-road trip at kung saan-saan na kami nakapunta sa ilang lingo namin.

"I'm sorry, sobrang daming tao." Yumuko siya sa akin para mahalikan ako sa noo. Kinikilig akong umusog para maka-upo siya sa tabi ko.

"Oks lang! Medyo nalate din ako dahil bumili rin ako ng books for NMAT. Akala ko, ako lang 'yung late na magrereview, hello sa February na kaya 'yon!" natawa siya bago tumawag ng waiter. "Ikaw kamusta PhilSAT?" tanong ko.

"It's fine. I still have three books to read but.." napatingin siya sa akin at medyo nag-aalangan dugtungan ang sasabihin niya kaya nagtaka ako. "Uhmm.. but keri langs." Mahinang sabi niya sa tono kung paano ko inaartehan ang pagkakasabi no'n.

"Hahahaha!" tawa ako nang tawa at halos masubsob pa ako sa lamesa. Napa-iling siya habang sinasabi ang order niya para sa aming dalawa. "Pvtek! Keri langs. HAHAHAHA!" ginaya ko pa kung gaano niya sinabi at ang mukha niya bago ako tumawa nang tumawa.

"Love.." napahilot siya sa sentido niya kaya medyo hinanaan ko ang tawa ko.

"Joke lang, Love. Ang cute kasi.. hahahha!" hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti nang Malaki. "Kailangan mo pa bang mag-exam? Keri mo naman nang pumasok sa law school kahit walang gano'n." sabi ko.

"It's fine, how about you? Bakit ngayon ka lang magrereview for NMAT?"

Pagkatapos naming kumain ay nagpunta lang kami sa mall para bumili nang pagkain ni Pretzel. Ang usapang pagkain lang ni Pretzel ay hindi natupad dahil nakakita ako ng mga cute na sleepwear para sa amin ni Alberto Justin kaya napabili kami. Hindi naman na siya umangal at natatawa na lang sa pinagpipili ko.

"Really? Olaf?" natatawang tanong niya habang nilalagay sa counter ang pinamili namin.

"Ang cute kaya Love!" pangungulit ko.

"You're much cuter." Nakangiting sabi niya bago kumindat. Natawa naman ako nag-pabebe sa harap niya. "Uh.. binabawi ko na." nakangiwing sabi niya.

"Parang gago!" pikon na sabi ko na tinawanan niya lang. "Dalagang pilipina kaya 'yon!" dagdag ko pa. Pati ang nasa cashier ay natawa na rin. Hala nakita niya pala!

Pagkauwi namin sa bahay ay agad akong dumeretso sa kwarto ko para isukat ang mga pinamili namin. Hindi pa naman ako matutulog pero gusto ko makitang kung kasya. Agad akong nagpalit at napatili ako sa sobrang cute.

"Love!" mabili akong bumaba at pumunta sa sala kung nasaan sila naglalaro ni Junavi. "Ang cute ko diba?!" kumandong ako sa kaniya at ngumiti nang Malaki.

"Ofcourse. " nakangiting sabi niya bago ako mabilis na hinalikan.

"Dada! Ate! I'm here!" napatingin kami kay Junavi na nakatakip na ang kamay sa mga mata niya. Nagtawanan kami bago naming nilaro ulit si Junavi.

Ilan lang 'yon sa pinakamasayang araw ko dahil sa tuwing kasama ko siya ay lagi akong nakangiti. Ang ilang lingo naming pamamasyal at pagdedate ay hindi pa sapat sa apat na taon na hindi kami magkasama.

Noong nalaman ng mga magulang naming, nagpahanda talaga si Tita Marie at Mama. Parang ang tagal na nilang hinihintay na magkabalikan kami dahil sa sobrang saya nila. Hinayaan na lang naming sila dahil nakikita naman naming silang masaya.

You're my Answered Prayer [EDITING]Where stories live. Discover now