CHAPTER 47

16 3 0
                                    


"Hala si bobo tulala!"

Sinubsob ko ang ulo ko sa lamesa at inuntog ng ilang beses ang noo ko ro'n. Natatawang tumabi sa akin si Jiero na may dala ng pagkain namin. Nandito kami ngayon sa Chowking, katatapos lang ng klase namin at bukas simula na ng Christmas vacation.

"Uuwi ba ako? Pakisabi kay Tita sa inyo muna ako! Kabisado ko naman sa probinsiya niyo!" inangat ko ang ulo ko at nakangusong tiningnan siya. Padabog niyang nilapag sa lamesa ang pagkain ko at nagtaas ng kilay.

"Aba! Namimihasa ka na yata! Umuwi ka na! Simula noong sembreak hindi ka na umuwi!" asik niya. Napatakip ako sa mukha ko at sumagi na naman sa isip ko kung paano nag-breakdown sa harap ko si Alberto Justin.

Pagkatapos niyang sabihin ang mga 'yon para akong nabuhusan ng malamig na tubig at natanggap ko na may pagkakamali ako. Binigla ko siya, hindi ako masiyadong naging tapat sa kaniya at higit sa lahat.. pinag tabuyan ko siya.

Nasa kaniya rin si Pretzel ng ilang linggo at hindi rin ako masiyadong nag-social media. Sobra ang guilt na nararamdaman ko at ilang araw din akong umiyak at tumunganga sa condo, kung hindi lang siguro ako ginugulo nila Kupal at Jiero malamang bumalik na naman ako sa dati.

Hindi ko sinabi kila Mama ang nangyari pero alam kong may ideya sila dahil sa hindi pag-uwi ni Pretzel sa bahay. Sila ang bumibisita rito sa condo kapag weekends, hindi naman sila nagrereklamo pero nahihiya na rin ako. Ang arte-arte ko kasi!

"Paano kung magkita kami?" nakatulala kong tanong habang ngumunguya.

"Edi magkita! Baka kasi may mata kayo 'no!" pabalang na sagot niya. Napabuntong-hininga na lang ako bago sumubo ng dumpling.

"Jiero!" inis na sabi ko saby sipa sa mga binti niya.

"Tangina! Magkikita talaga kayo! May anak kayo remember?" pang-aasar niya pa kaya napangalumbaba na lang ako. "Hoy! Nasa harap ng pagkain eh!" saway niya kaya inalis ko ang braso ko sa lamesa.

"Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?" inirapan niya lang ako bago sumagot.

"Edi sabihin mo mahal na mahal mo pa rin siya, tapos pakiss ka 'yung french--" nabato ko na siya ng bag ko kaya ang iba ay napatingin na sa 'min. "Pvta! Joke lang! Hindi mo pa nga alam kung papansinin ka eh, assuming ka girl?" sinalo niya ang bag ko at nilagay sa tabi niya para hindi ko na siya mabato ulit.

Kabado akong bumaba sa kotse namin at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Luminga-linga pa ako at naghahanap ng bakas ng Pretzel pero wala, siguro ay hindi niya talaga pinapapunta rito. Nagpakarga agad sa 'kin si Junavi na nakapantulog na at may dala pang chocolate sa kamay na nagkalat na.

"Gabi na kumakain ka pa rin ng sweets." Saway ko habang kumukuha ng tissue gamit ang isang kamay ko.

"Last na po! Pasalubong po ni Dada, nagpunta po kasi sila nila Kuya Kael sa Mall!" nanlaki ang mga mata ko nang sa unang pagkakataon ay tawagin niyang 'Kuya' si Kael.

"Kuya?" tanong ko habang pinupunasan ang kamay niya.

"Opo Ate! Sabi po kasi ni Dada, siya na lang po ang tatawagin kong Dada at sila Kuya Kael po ay 'Kuya' lang! Gano'n po pala 'yun, Ate?" kwento niya. Napatitig ako sa kaniya habang kumakain siya nang chocolate. "Tapos po, ang tunay kong Papa ay nasa heaven na pero po sabi ni Dada, p'wede raw po kaming maglaro lagi at lagi niya akong kakargahin katulad ni Papa at ni Kuya Dada." Napabuntong hininga ako at tumango na lang. Sa dami niyang tinatawag na Dada, si Alberto Justin agad ang pumasok sa isip ko.

"Pumupunta siya rito?" tanong ko.

"Opo! Lagi po kami nag-pleplay!" masayang sabi niya at agad nagpababa para ipakita ang bago niyang luto-lutoan. "Gusto ko po maging magaling magluto, sabi po kasi ni Dada, magaling ikaw magluto!" nabigla ako sa sinabi niya.

You're my Answered Prayer [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon